My journey then til now

Pangarap na di matutupad…

Ako’y muling na interview sa Toshiba kahapon (Sunday). Di ko inaasahan na ako’y muling aalokin upang mainterview sa ikalawang pagkakataon. Ayon sa HR na pilipino ay 600++ ang nag-apply para sa position na iyon at para sa unang interview ay 89 lamang ang napili. Ngayon naman, para sa ikalawang interview ay 45 na lamang kaming napili. Mapalad ako at ako’y napasama pa doon ngunit alam ko rin na karamihan sa mga natira ay mas magagaling kumpara sa akin. Ito na ang huling interview sa Pilipinas dahil ang mapipili dito ay may final interview sa Japan. Dito na talaga sasalain kung sino ang bibigyan ng pagkakataong makapagtrabaho doon.

Ang tanging dala ko noong araw na iyon ay ang aking thesis paper. Dinala ko din ang cd na naglalaman ng softcopy at iba pang materyales ukol sa aming thesis. Pagdating ko sa venue ay naabutan ko pa ang ibang aplikante na nagiintay upang sila ay mainterview na din. Nakausap ko ang ilan sa kanila at sa totoo lamang, sana ay di ko na lamang sila nakausap. Lalo lamang akong nanliit dahil dala-dala pa nila ang kanilang mga prototype at may inihanda pa silang presentation. Pag naiisip ko ang mga dala ko ay parang nawawalan na ako ng pag-asa. May dumating pang isang aplikante at sia ay taga-lasalle rin. Napag-alaman ko sa aming pagkkwentuhan na sia ay may honors ng gumradweyt. Bigla kong naisip kung bakit ba ko nandun. Duon ko na din naisip na malamang ay karamihan sa mga nandito ay tunay na magagaling. Dun pa lang gusto ko na sila icongratulate dahil nararamdaman ko na kakayanin nilang makalusot sa susunod na interview. Wala na ata talaga kong pag-asa… Wala pa kong hinandang presentation. Dala ko nga ang video ng aming proyekto ngunit wala naman palang PC doon sa interview area kaya hindi ko rin mapapakita.

Dumating na ang oras ng interview kaya’t nilunok ko na lang lahat ng aking alinlangan. 3 Hapon ang nandun. Isa ay ung dating nag-interview sa akin, isa ay babaeng executive at ang huli ay isa pa ring executive ngunit may interpreter. Sa totoo lamang d ko maramdaman na komportable ako nuong iniinterview ako. Bagaman alam na alam ko ang thesis namin, parang di ko sia masabi ng maganda na sila ay mabibilib. Lagi akong napuputol dahil sa iniinterpret pa ang aking sinasabi kaya kadalasan ay nawawala na ko sa momentum pag nagsasalita ako. Haayy nararamdaman ko ding parang hindi sila interesado sa thesis namin. Wala na akong magagawa duon. May isang pagkakataon na nagtanong ang babaeng executive at habang sinasagot ko ito ay wala naman nakikinig. Nasabi ko ito dahil itinanong ulet sia matapos magtanong ng iba pang tanong. Natanong din ang tungkol sa aking internship sa Panasonic. Dahil nga wala akong ginagawa duon ay sinabi ko ang totoo. Di ko kayang magsinungaling na marami talga akong ginawa dahil wala naman talaga dahil di naman nila ko binigyan ng magandang training doon.

Natanong din ako kung bakit gusto kong magpunta sa Japan. Gusto ko ng sabihin na gusto kong manood ng concert ng larc-en-ciel ngunit hindi ko ito sinabi. Bka kasi sabihin nilang napakababaw ko. Sinabi ko na lamang na hilig ko talga ang japanese culture. Ang resulta ay malalaman ko matapos ang isang linggo.

Pagtapos ng interview ay ramdam ko sa sarili ko na di ako masaya sa mga pangyayari. Halos unti-unting tinatanggap ng isip kong di ko na matutupad ang pangarap ko. Di ko akalain na malulungkot ako ng ganito… Akala ko ay sanay na kong di natatanggap sa trabaho pero iba pala pag talagang gusto mo ung inaapplyan mo. Halos gusto ko ng umiyak ng araw na yon ngunit alam kong wala naman magagawa ito. Iniisip ko na lang na baka di talga para sakin ito. Ayoko sanang tanggapin kung iyon ang tadhana pero wala na akong magagawa. Nasakanila na ang desisyon kung ako’y matatanggap o hindi. Hinahanda ko na lamang ang sarili ko para sa araw na sila ay tatawag/mag eemail para sabihin ang resulta.

Ayoko na lang umasa dahil lalo lang akong masasaktan. Sa ngayon, kailangan sigurong ibuhos ko ang aking panahon sa paghahanap pa ng ibang trabaho. Sa totoo lang ay pagod na din ako. Gusto ko na lang intayin ung AWS para tawagan ako sa initial interview pero dahil natuto na ko ay alam kong hindi ako pwedeng umasa ng ganun ganun lang.

Haayyy ayoko ng isipin ang nangyari. Sana’y dumating na ang isang linggo para matapos na lahat at tuluyan ko ng matanggap ang resulta.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Tag Cloud

%d bloggers like this: