My journey then til now

Creepy

Pauwi ako kahapon galing sa isang interview sa makati. Sa bus ako sumakay pabalik sa pacita. Ang bus na sinakyan ko ay ung mga dumadaan sa ilalim ng MRT. Nakasakay naman ako agad at maluwag naman ang nasakyan ko. Naupo ako sa isang tatluhan na upuan at pumwesto sa malapit sa bintana. Mejo malamig ang bus pero di ko tinapat ang aircon sakin kaya ok lang ang lamig. May tumabi sa akin na isang lalaki pero pumwesto sia sa dulo ng upuan kaya d ko talga sia katabi. Mukha naman desente kaya di naman ako nag-alala.

Nang umandar na ang bus… makalipas ang ilang minuto ay may sumakay pa ulet na ibang pasahero. Yung isang lalaki naman ay naisipang pumwesto sa tabi ko. Mukha naman siyang ordinaryong tao kaya kampante na ulet ako. May dala pa siyang polo at inilagay nia iyon sa gilid ng balikat nia. Akala ko ay nilalamig lang sia kaya nia ginawa iyon pero maya-maya ay may nararamdaman na ako sa tagiliran ko. Akala ko ay balak niyang kumupit kaya inilayo ko ang bag ko. Kinuha ko naman ang mga papel na nasa loob ng bag ko at kunwari ako ay nagbabasa. Maya-maya ay nararamdaman ko ulet ang mga kamay nia. Mejo kinabahan na ko pero di ko pinahahalata kasi akala ko ay nilalamig lang sia at pag tinitingnan ko naman sia ay parang wala lang. Maya maya ulet ay naramdaman ko ung kamay nia. Parang dinidikit nia ung kamay nia dun sa gilid ko! Parang MANYAK! Kinabahan ako pero ayokong magpahalata kasi naisipan ko naman na may katabi pa naman kami kaya malamang e wala naman siyang gagawin na masama at kung meron man at talgang handa na kong sumigaw. Nagpanggap na lang ako na BUSY. Pagdating sa may Alabang ay umalis na ung isa naming katabi sa upuan pagkatapos ay ung “manyak” ay umurong na kaya natuwa naman ako sa loob loob ko.

Maya-maya bigla nalang katabi ko ulet sia na parang walang nangyari. Bigla kong napatingin sa kanya at nagulat ako! ung mata nia parang naikot tas nakita ko ung isa niyang kamay nandun sa loob ng pantalon nia! NASHOCK ako! d ko alam kung sisigaw na ko ng “MANYAK!” o hindi dahil wala naman siyang ginagawa sakin. Maya-maya ung isa niyang kamay na katabi ko ay pumwesto sa pagitan ng upuan namin at bigla na lang may nararamdaman akong parang may balak sia na kung ano. Tinitingnan ko ung “reflection” nia dun sa bintana at talgang ung isang naman niyang kamay ay “nandoon.” Natatakot na talga ko. Gusto ko na bumaba kaso binabagtas pa ng bus ang highway. Naghahanap na nga ako ng lilipatan sa mas bandang unahan pa pero wala naman akong makita pdeng lipatan. Ayoko naman lumipat sa may bandang likod kasi mas delikado at mejo malapit na din naman ung toll gate. Nagkunwari na lang ako na busy. Nakwento na din kasi sakin ng kaibigan ko dati na may mga ganitong tao. Ang solusyon daw dito ay wag papansinin dahil ang mga ganitong tao daw ay iniintay na magreact ka sa ginagawa nila. Meron pa nga daw na mas malala pa at pinapakita pa nila “iyon.” Pag nagreact ka ay baka mas lalo pa silang may gawin sayo. Kaya minabuti ko na lamang na magkunwaring busy pero “alert” ako kung sakaling may malala ng mangyari. Nararamdaman ko talga ung pressure dun sa gilid ko. Malapit kasi ung kamay nia dun sa legs ko pero ung kamay naman nia ay di nakabukas. Parang naka “fist” ang dating nung kamay nia. Para talga kong napaparanoid nung panahon na un feeling ko unti unti niyang binubuksan ung kamay na at parang pinapasok nia sa ilalim nung legs ko. Gusto ko na siyang murahin at ipagkalat na manyak! Buti na lang nung nangyari un ay meron ng malapit na Stop over. Tumayo na tlaga ako at binalak ko ng bumaba. Di ko sia tiningnan. May feeling kasi ko na pag pinansin ko pa yun e bka sumunod pa sia.

Naglakad na lang ako kasi mejo trapik ng onti papunta sa unang stop over. Pero para sakin OK lang kesa ma-stuck ako dun! Mahirap na din kasi. Atleast habang marami pang pasahero ay makaalis na ko dun. Bka mamaya kaming dalwa na lang dun e mapapraning talga ko. Malaki pa naman ang chance na mangyari yun dahil huling stop over ang lugar namin. Kinabahan ako sa pagbaba ko kasi bka mamaya ay sumusunod sia pero derederetso lang ako at di ako tumingin sa likod. Alam ko kasi e dun sia dapat bumaba pero di sia bumaba dun. Sabay kasi kaming nagbayad kaya feeling ko alam nung manyak na dun pa ko sa pacita bababa. Sa awa ng diyos e di lumala ang pangyayari. Mukha namang di sia bumaba.

Nag jeep na lang ako pauwi kahit mejo malayo pa.

Haayy ayoko ng mangyari ulet yun! Mamamatay ako sa nerbyos!

Advertisements

Comments on: "Creepy" (6)

  1. Grabe kinabahan ako para sayo. Salamat sa Panginoon at walang nangyari sayo. Ingat ka palagi. Ganyan talaga mahirap kapag maganda. Tingnan mo ko, walang pumapatol sakin ^^ Pero pramis, ingat ka.

    • oo nga buti na lang talga. Kinabahan nga din ako e. Mukha nga lang siyang ordinaryo. di mo aakalain na ganun un. ewan ko nga sana … napapraning lang ako pero nde talga. Hirap talga sa mga public vehicles. dami pde mangyari.

      may experience pa nga ko dati sa jeep naman may nag rurugby haaaayyy. mamatay din ako sa takot!

  2. grabe buti naman walang nangyaring masama. nakakatakot yung experience mo. meron kami dati nakita pero sa loob ng kotse. ganun nga talaga siguro mga exhibitionist, kapag nakita nilang may reaction, mas lalo nilang ginagawa. kahit naman mag-ingat eh kung matiyempuhan, ganun talaga mangyayari. kaya sabi ng parents ko laging maging lista pat wag tatanga-tanga lalo na’t babae daw tayo ~_~

    • Exhibitionist pala tawag dun. oo nga e kahit anong ingat mo pag natyempuhan ka parang wala ka rin magagawa. Sana lang wag na maulit un. Sa susunod talga dun na ko sa may naka upo na uupo kahit hindi window seat. kaya ingat rin kayo. di na talga safe ang mundo 😦

  3. dapat ikulong tong mga ganito

    weird … great u got out of that kind of situation …

  4. dapat ikulong tong mga ganito

    Weird, good thinking getting out as soon as u can …

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Tag Cloud

%d bloggers like this: