My journey then til now

8 Hour Sleep???

Kelan kaya ako ulet makakatulog ng matagal?

Dalawang linggo na ang nakakalipas simula ng ako ay magsimulang mag training. Batid ko naman na ito ay isa itong matinding pagsubok na nangangailangan ng puspos na konsentrasyon. DI KO LANG AKALAIN NA GANOON SIYA KATINDI!

Bawat araw ay mayroon kaming pagsusulit na susubok sa napagaralang katuturo pa lamang. Nagpapasalamat naman ako sa Diyos at kahit papano ay matataas ang mga marka na nakukuha ko sa pagsusulit ngunit syempre meron itong kapalit… Ito ay ang pagpupuyat ko araw araw para lamang mag-aral.

Sa aming Nihongo ay kadalasan mayroon kaming 3 asignatura na kailangan ding ipasa kinabukasan at kailangang basahin na ang Lesson upang maging handa sa pagsusulit at hindi din maging clueless sa itinuturo. Hindi kasi sila ganoon kagaling mag-ingles kaya mejo awkward ang pagtuturo. Para naman sa aming IT ay mayroon kaming 2 asignatura na kailangan din ipasa at maliban pa doon ay kailangang naming basahin ang 2 chapter ng libro upang maging handa sa pagsusulit. SUMA-TOTAL: 3 Babasahin araw araw at 5 asignatura para sa araw lamang na iyon.

Kadalasan ay 6:00 – 7:00 na ako ng gabi nakakauwi at dumarating sa bahay ng 8:00 – 9:00. Pagdating ko doon ay gagawa na ako ng mga asignatura at pinipilit kong tapusin ang babasahin sa araw na iyon. Sa awa naman ng Diyos ay nagagawa ko silang lahat ngunit malaking sakripisyo ang nilalaan ko. Matagal na ata ang 3 oras na tulog sakin araw araw… Minsan tuloy para na kong tutumba sa sobrang antok.

Hindi naman ako nagrereklamo ngunit marahil ay namimiss ko lamang ang aking matagalang pagtulog nuong ako ay di pa nagsisimulang magtraining. Buti na lamang talga at gusto ko itong ginagawa ko kung hindi…. marahil ay sumuko na ko.

Ngayon mag aadvance reading na ko upang magkaron ako ng time matulog. Sana matapos ko at ako ay maka survive 🙂

Advertisements

Comments on: "8 Hour Sleep???" (9)

  1. oi gian! kamusta ka na?

    san ka na nag-work? tagal na nating di nagkikita ah. gano pala katagal yang training mo?

    kaya mo yan. ganbarre!

    • Eto buhay pa naman 😀

      Oo nga tagal ko na kayo di nakikita. Dun ako sa makati. Ung building namin katabi nung LKG tower. 5 months training.

      Sana nga kayanin ko. Thanks!

  2. masarap talaga ang matulog.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Tag Cloud

%d bloggers like this: