My journey then til now

Sa DiYiP (JEEP)

Sa tuwing uuwi ako galing opis ay kadalasang sumasakay ako ng DiYiP.

OK naman sumakay sa dyip. Syempre dahil mura.

Nung nagsimula akong magtrabaho sa Alabang, di ko alam na may sakayan ng DiYiP. Nalaman ko lang na may deretsong sakayan pauwi samin dahil nakasabay ko ang isa kong ex-opism8 na itago nalang natin sa letrang R. hehe Kaya ngayon alam ko na ang sakayan ng DiYiP pauwi sa bahay namin.

Pero bakit ko naman ikkwento ang tungkol sa DiYiP. Syempre dahil merong kapanapanabik na nangyari sakin.  Pero di ito magandang pangyayari. Sa katunayan ay 2 ekspiryensya ang hindi ko makakalimutan kahit kelan kaya eto ikukuwento ko na.

Pareho itong nangyari nung ako ay kolehiyo pa lamang.

#1
Pauwi ako galing sa aking unibersidad. Marami akong dalang gamit dahil ako ay isang estudyanteng kumukuha ng inhinyeriya kung kaya”t may mga panahong may dala akong malalaking libro. Pasakay na ako ng DiYiP pero iisang kamay at paa pa lamang ang naisasakay ko e bigla na itong umandar! Marahil itatanong nio kung ano ang nangyari sakin…. Syempre nahulog ako! Ang problema di ko mabitawan ang kapit ko sa DiYiP. Bakit??? dahil pag binitawan ko iyon ay masasagasaan ako ng mga sasakyang nasalikod nito. Anong nangyari sakin??? mejo nakaladkad lang naman ako!!! DUH! Napansin lang un ng napakabait na drayber nung nagstoplight na! kaya kumusta naman ako!

#2
Pauwi ako galing sa aking unibersidad. Mejo gabi na nun. Syempre sumakay pa rin ako ng DiYiP. kasasakay ko lang at nakaupo naman ako sa malapit sa labasan. Ang PROBLEMA…. may sumakay na isang lalaki…. umupo sia dun sa may labasan. Ang mas MALAKING PROBLEMA…may dala sia… bote at isang matulis na bagay. Yung bote … RUGBY!!! ung matulis na bagay ICE PICK! NAMAN! ang malas ko naman! kinabahan talga ako. sa loob loob ko naiisip ko..pano ko lalabas dito e nakaharang sia sa labasan! Di ko alam gagawin ko e humihithit sia. tas naaadik sia. As in! nakakatakot. nagwawala sia at tinuturo nia kung saan saan ung ice pick. nakakatakot! Pero syempre nakalabas ako. di ko alam kung pano. Basta bigla na lang ako nag para tas nakalabas ako. Pagkatapos nun ay sumakay na agad ako ng bus.  Haaayy salamat! SAFE!!!!

Kaya mahal na mahal ko ang DiYiP hehe. Kung tutuusin, ang mga pangyayaring ito ay nangyari noong panahong ako ay pauwi galing unibersdad. Kaya dapat ata e DI NA KO UMUUWI para di na to nangyari 😀

Un lang naman

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Tag Cloud

%d bloggers like this: