My journey then til now

Ang Idol kong FX Driver

Sa tuwing papasok ako ng opis ay lagi akong sumasakay ng FX. May FX terminal kasi malapit samin. Ang FX terminal na ito ay di legal kaya naman meron pa silang radyo sa kanilang mga FX. Kung tutuusin dapat nga ay di ko pa sinusuportahan ang mga FX na ito sapagkat di nga sila legal. Ngunit, wala rin naman akong magagawa dahil yun ang pinakamadaling sakayan patungong opisina. Ayoko naman mag DiYiP dahil ayokong mahuli sa opis. Isa pa, pag ako ay nag DiYiP ay maraming sakay pa ang gagawin ko.

Sa FX Terminal na ito ay meron akong Idol na FX Driver. Bakit ko naging Idol? Syempre dahil sigurado ako na pag siya ang nasakyan ko ay hindi ako mahuhuli sa opis kahit kelan. Pano ba naman, numero uno atang kaskasero si idol. Trapik na e nasa 80 kph pa ang andar nia. Pag magbbreak sia ay tipong ilang metro na lang ang layo mula sa isa pang sasakyan. Pag gitgitan, makikisingit pa sia sa gitna ng dalawang sasakyan. Ang hilig pa nia dumaan sa may shoulder lane. Syempre kitang kita ko lahat ng pangyayari, pano ba naman madalas akong umupo sa passenger seat. Ayoko kasing umuupo sa gitnang parte ng FX maliban na lang pag walang-wala ng maupuan at talagang nagmamadali ako. Pano sa sobrang kapayatan ko ay ginagawa nila akong “paningit” sa FX hehe. Yung tipong pinipilit nilang kasya ang apat dun e parang kalahati na lang ata ng katawan ko ang pwedeng kumasya. Mga tipong ganun.

Kaninang umaga ay nakasakay ulet ako sa FX ni idol. Syempre nadama ko ulet ang pabugsu-bugsong pag-break at paghahagibis nia sa SLEX. Alis ko ng bahay ay 7:10 at dumating kami ng toll gate ng 7:25. O diba ang bilis.

Yun nga lang akala ko ay makakarating ako ng opis ng maaga pero nde pala. Bakit kanyo? dahil di pa ata nag-aagahan ang mga manghuhuli ng mga illegal na fx. Kaya eto na kami, nasa toll gate na tapos syempre si idol todo radyo sa kapwa nia drayber para malaman ang posisyon ng mga manghuhuli. Nakakatuwa ngang pakinggan ang kanilang usapan pano may code code pa silang nalalaman. Tipong “347 pakicheck nga jan sa Asian kung meron”

Nakalagpas naman kami ng asian ng matiwasay at kasalukuyang binabagtas ang alabang hills. Dun ay na spot-an namin ang mga manghuhuli. Kakatawa ang pangyayari. Parang sine. May isang pasaherong nag-para pero si idol parang walang narinig tas todo liko sa kanto at biglang pumasok ng isang mall at nagpark.. Pagtapos nun ay nag explain kay pasahero na may nanghuhuli kaya dun na lamang siya bumaba. So okay ang pangyayari. Di pa kami nahuhuli. pano nasa parking area kami tas tipong 10 minuto na ata kami dun. Panay silip pa si idol dun sa di kalayuan at todo report sa kapwa nia drayber. hehe.

Syempre parang ok lang ang nangyayari pero sa loob loob ko. Hala bat di pa kami umaalis dito! Baka ma-late na ko! Ayun buti na lang at naisipan na niyang umalis ng parking area. Ok naman at safe na kami. Wala na ulet ang mga manghuhuli. Ayun at nasa ATC na kami ng biglang…. tumigil sia. Ang swerte ko naman! ilang minuto na lang ang layo ko sa opis tas nagka ganito pa! Tapos nun ay tinanong niya kung may bababa ba sa may Shell station. Ako un! Kaya sabi nia ay “pasensya na po pero kung pwede po sana dun ko na lang kayo ibaba sa may Ford”. So ako naman mejo wala sa ulirat OO lang. haha Pano iba ang intindi ko. Naka earphones kasi ako at kasalukuyang nakikinig ng musika kaya mejo mahina ang rinig ko nung sinasabi nia ang mga bagay na un.

Kaya umikot pa ulet kami sa kabilang kanto at dun ako binaba. Syempre humingi sia ng pasensya dahil sa abala. Ako naman ok lang. Syempre kunwari ang bait ko kaya sabi ko “OK lang po di naman po maiiwasan”. Pero sa totoo naman talga ay okay lang sakin. Para maiba naman. Yun nga lang mejo malayo ang nilakad ko. Maliban pa dun ay tumawid pa ko.

So anong sense ng kinuwento ko? Wala lang haha. Idol ko pa rin sia kahit na ganun dahil di naman ako nahuli sa opis. Atsaka di naman nabawasan ang pagiging kaskasero nia. Kung tutuusin pa nga ay napaka-galing nia umiwas sa mga manghuhuli hehe. O diba dapat tularan! Kaya ako sa susunod pagmamasdan kong maige ang driving skills nia para mai-apply ko rin pagdating ng panahon 😀

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Tag Cloud

%d bloggers like this: