My journey then til now

Archive for August, 2008

Hong Kong Trip (Day 1)

Unang-una, sobrang late na nitong kwento ko. Pero naisipan ko na ring gawan ng post dahil bka makalimutan ko pa ang super great experience na ito hehe.

Nuong May 22-26, ako ay nagpunta sa Hong Kong kasama ang aking mga “kapanalig”. Marahil iisipin ng karamihan na kaya ako nagpunta doon ay para makapamasyal sa Disneyland o di kaya ay sa Ocean Park ngunit hindi iyon ang dahilan. Iisa lamang ang rason kung bakit kami nagpunta doon. Nalaman namin na magkakaron ng isang kapanapanabik sa “event” na di namin maaaring palagpasin. Eto ay ang Larc~en~Ciel concert. Sa sobrang pagmamahal namin sa bandang ito ay ginawan namin ng paraan para matuloy ang planong panonood nito.

Maraming naging problema bago maisakatuparan ang planong pagpunta sa HK ngunit isa-isa namin itong naresolba. Una ay ang ticket sa concert, ang titirhan namin, ang plane ticket at syempre, ang puno’t dulo ng lahat ng problema, ang pera. Di ko na ikkwento kung pano namin nagawan ng paraan ang lahat ng ito dahil hahaba lang ang kwento kaya punta na tayo sa aking pag-alis :D.

May 22:
Nagkita-kita kami sa naia ng bandang tanghali dahil gabi ang flight namin (di ko na maalala kung anong oras). Kelangan daw kasi mga 3-4 hours before the flight ay nandun na. Nga pala, first time kong umalis ng bansa kaya syempre excited ako at kinakabahan din.  

First time kong pumasok ng airport (o bka nakapasok na ko di ko lang maalala). First time ko din nakita ang loob nito. Dala ang aming mga bagahe, passport at ticket ay nagpunta na kami sa counter upang bayaran ang travel tax. Sa totoo lang naguluhan ako sa dapat gawin kasi walang nakasulat kung anong unang gagawin. Di katulad pag magrerenew ka ng lisensya atleast kahit magulo dun, may nakasulat na instructions. Kaya naman pagtapos namin magbayad ay derederetso kami para magbayad ng terminal fee ngunit hinarang kami ng SOBRANG BAIT na mga guard na di man lang sinabi ng maayos na hindi iyon ang sunod naming dapat gawin kundi ang magcheck-in ng gamit. Kaya ayun nag-check in na kami ng gamit. Mejo matagal ang pagccheck-in ng gamit dahil chineck pa nila ung credit card na pinambayad ng ticket. E-ticket kasi ang ticket namin. Pagkatapos nun ay nagbayad na kami ng terminal fee. NAPAKABAIT din ng tao dun sa counter. Dahil sa sobrang KABAITAN NIA ay kitang-kita sa mukha nia na kulang na lang ay pasanin nia ang buong mundo dahil ang sungit sungit nia. Nagkaron din ng inspeksyon. Dadaan ka lang naman sa isang “something” tas ichecheck nila ang dapat na icheck. Wala namang kaduda-duda sakin kaya OK hehe.

Nakapasok na rin kami sa mismong intayan kaya habang nag iintay ay nag picturan muna kami (check nio na lang ung multiply account ko para sa pics). Syempre chineck ko din ung “supposed backstage tix” namin at nalaman kong maddedelay ang kanilang flight kaya ginagawan nila ng paraan. Yung tix ay galing sa pinsan ng aking kaibigan (itago na lang natin sa letrang M). Muntik ng magunaw ang mundo ko, ako ay nagpanic at nag-alala pero syempre may ticket din naman ako just in case di matuloy un. Kaya mejo ok na din. So ayun nag iintay kami ng eroplano :)). Uso din pala ang nahuhuling eroplano dahil delayed ang aming flight (Haayy pilipinas pa talga). Nang dumating ang eroplano sa loob loob ko “eto na talaga aalis na ko ng Pinas at makikita ko na ang LARUKU!!!” Kaya pasok na kami sa eroplano at umupo sa aming mga pwesto. Sayang lang hindi ako window seat dahil ang seats namin ay nasa gitna.

Makalipas ang ilang minuto ay umandar na rin ang eroplano at start na ng take-off. Aba! mejo nagsshake sia at nawawala-wala ng onti ang ilaw. NORMAL BA TO??? ewan ko kaya syempre tinanong ko sa kasama ko. Ang hilig ko kasing manood ng Air Crash Investigation sa National Geographics Channel e alam ko sinasabi lang ng pilot pag may problema pag talgang di na nila magawan ng paraan. sa awa naman ng diyos e walang kagimbal gimbal na nangyari. Nagstablize na rin ang eroplano. ganun lang ata talga un. Kaya punta na tayo sa mga makikita sa eroplano. PAL ang sinakyan naming eroplano. May free food. Naappreciate ko naman ung food. Nakakabusog naman pag kinain mo lahat. May mga magazines din na pdeng basahin. Pwede ka din makinig ng music. Syempre ni-try ko. Sayang e minsan lang mangyari kaya dapat maexperience lahat :). Ayun nagtaka kami kung bakit may magazine na parang airplane guide na sinasabi ung mga channels. Narealize na lang namin after 30 minutes siguro na ung guide palang uyon ay para sa channels na pde mong piliing pakinggan. May english music, chinese music, classics, korean musics at syempre japanese music. Alangan namang palagpasin ko ang chance na di ko mapakinggan ang japanese music na samples nila dun kaya kahit malapit na kaming mag landing e ni-try ko. May kattun song dun hehe. ung real face ata kung di ako nagkakamali. sayang lang at di ko naulet ung nasa list. Pero atleast naexperience ko hehe. May TV din pero di ko gaanong pinansin. Di naman kasi maganda ung pinapalabas.  

Pagtapos ng 1 oras ata ay lumapag na din kami sa Hong kong. Nga pala, nag on ako ng roaming. First time ko din un buti na lang nagwork hehe. Kala ko di gagana e. Balik tayo sa kwento, syempre wala kong kaalam alam kung ano ang gagawin buti na lang at mejo madali lang naman alamin dahil wala ka na rin naman tlagang gagawin kundi kunin ang bagahe at lumabas ng airport hehe.

Parang ang simple no pero hindi. So ayun daan ka muna ng immigration. Na tanga pa ko kasi di ko nagets ung sinabi nung guard na dun daw dadaan. hahaha di ko kasi magets ung english nia. Tapos ung salita nila, no offense ha, pero para silang galit lagi. Pero alam ko namang hindi. Kaya ok lang. Pagkatapos nun ay kinuha na namin ang baggage namin. ok naman sia kasi wala namang kaguluhan sa pagkuha ng baggage. Malaki din kasi ung airport. Mejo nga nakakawala sa loob nia e. After nun naghanap na kami ng pdeng pagpalitan ng dollar. Bago kami magpapalit ng dollar syempre nag CR muna kami para naman maexperience ang CR sa airport ng hong kong. Aba kakaiba. may pila pero di sia sa tapat ng doors. dun ka sa malayo. Di mo dapat harangan ung mga pintuan sa cubicle ng CR. Pag may umalis tas ikaw ang sunod tsaka ka pa lang pupunta dun. O diba ang ayos. After nun nagpapalit na rin kami ng dollar. Nakakatuwa ung girl na nagpapalit ng dollar. Kakaiba sila mag english pero naiintindihan naman. Kaya ayun nagpapalit na ko ng dollar para makabili din ako ng Octopus card. Di ko pinapalit lahat kasi balak ko magpapalit sa money changer. Sabi kasi ng mga kasama ko mas ok daw dun. Mahal kasi pag sa loob ng airport e.

After namin magpapalit ng dollar ay hinanap na namin ang bilihan ng octopus card. Ung octopus card kasi ay pdeng gamitin sa maraming bagay. Pde mong gamitin sa train, bus at convenience store. 150 HKD sia tas 100 HKD. Ung 50 HKD dun pde mong i-refund o kaya isagad mo ung gamit. Ayun na nga at hinahanap namin ang bilihan. Dahil nga ang laki laki ng airport at muka kaming nawawala ay nagtanong na rin kami. Buti na lang at nakakapag english ung mga guard dun kaya natuturo naman nila. Meron din isang lalaki na tumulong samin. Bait nga e. Kaya ayun nakita din namn sa wakas ang bilihan ng card. Tinawagan din namin ung dapat naming tuluyan para humingi din ng directions kung saan talga ung place. Wala pa rin kasing nakakakita nung pupuntahan naming place. O diba ang lakas ng loob namin hahaha. At kamusta naman no, mejo gabi na nun, mga 9 o 10 na ata un ng gabi. O well, sama-sama naman kaming mawawala kaya ok lang :D. Syempre prepared din naman kami. Nagprint kami ng directions/sakayan kung pano pumunta dun tsaka may mga maps kami hehe. Actually sila ung nakaisip ng mga plano. Ako hitch lang hehe. Binigyan din kami ng directions nung tinawagan namin, un nga lang di namin sinunod at nagstick kami sa plano namin na magbus tas magtrain.

Labas na kami ng airport at hinanap ung bus na dapat namin sakyan. Aba! akala namn ang simpleng hanapin dahil ang daming bus, e may numbers ung bus tas iba iba. Ang dapat naming hanapin e ung S1 na bus para makapunta kami dun sa sakayan ng train na MTR. Di kami nag airport express kasi super mahal un pag un ang sinakyan namin papunta dun sa place na pag-stayan namin. Lakad kami ng lakad para hanapin ung S1 pero di namin mahanap kaya nagtanong na kami. Syempre ang una kong tanong “Excuse me, can you understand english?”. Dalawa sila at ung natanungan ko ay di nakakaintindi, buti na lang ung kasama nia nakakaintindi kaya tinanong ko kung san ung S1 bus. Naintindihan naman nia ung tanong kaso nga lang.. My goodness! “non-comprehendable” ang pangyayari. Para kong naglistening ng nihongo na dumaan lang sa tenga lahat ng sinabi at key words lang ang narinig hahaha. Syempre thank you na lang ako tas dahil marami naman kaming nakarinig nung sinabi nia ay tinry naming “i-parse” ang sinabi nia. Mejo nagets din namn namin dahil na rin sa hand gestures dahil may paturo turo din naman siyang nalalaman. 😀 Pagkatapos namin magpabalik balik sa paglalakad ay nakita na rin namin sa wakas ang terminal ng S1. Ayun ok naman at nakasakay kaming lahat. Nakarating din kami sa MTR.

Mejo komplikado ng onti ang train station nila kumpara dito sa pinas pero magegets mo din naman. Kelangan lang magtanong tanong, magbasa ng mapa, magbasa ng signs at lahat ng pdeng gawin para malaman ang dapat gawin ay ginawa namin. Muka namang tama ang nasakyan namin. Ang swerte nga namin kasi wala masyadong sakay ung train. Siguro din dahil dis oras na ng gabi hehe. Buti na rin lang at may train pa hehe. Nag change train pa nga kami kasi base sa mapa, at train map ay kelangan naming mag change train. Mejo nalito nga kami nun kasi halos wala na kaming matanungan na tao kaya taas baba kami dun sa station. Naguluhan kasi kami sa pagcchange ng train dahil may color code. Buti na lang may nakakita samin na muka kaming nawawala at naturo nia ulet ang tamang train.

Ok nakaraos na kami sa train. Next naman ay hahanapin na namin ung dapat naming pagstayan. Sabi kasi samin after nung train station na un ay walking distance na sia.Un nga lang di namin alam kung anong daan ang dapat naming tahakin hehe. Buti na lang at mababait ata ang mga tao pag foreigner kaya ayun ung isang girl na natanungan namin ay sinamahan pa kami para makarating kami sa place na dapat naming puntahan. 🙂 Thanks sayo kung sino ka man. Ang lapit lang nga nia. Isang liko lang at dalawang tawid ay dadating ka na sa place na un. Nakita na rin namin ung person (itago na lang natin sa letrang E) na dapat naming imeet na pinagkatiwalaan ng place na pagstayan namin.

Pasok na kami sa place, tinuro kung pano buksan at sarahin ang pinto tapos ay nilapag na namin ang gamit namin. Mejo maliit lang ung place pero nagkasya naman kami :). Dapat matutulog na kami kaso nag offer naman si E na ibili kami ng kakainin namin.Para daw maexperience namin ung chinese food. Di daw kasi kami makakaorder basta basta dahil di nakakaintindi ng english ung pupuntahan namin. Nahiya nga kami kaso nahiya din kaming tumanggi kaya ayun sumama kaming bumili ng food. Pili kami dun sa menu na di namin maintindihan. Buti na lang sinasabi samin ni E kung ano un. Intay kami na maluto ung food. Binigyan kami ng free tea hehe. Naalala ko tuloy ung tea na nainom namin sa isang japanese resto sa pinas kasi pareho sia nung tea na binigay samin. WALANG LASA hahaha. pero mejo sanay na ko kasi ung tea sa bahay namin weird ang lasa. Lasang dahon atleast ito walang lasa. Dumating na din ang food at dinala na namin sa house para dun kainin.

Sa bahay na namin binuksan ung binigay samin na food. 3 kinds ung food na binili nia para samin at marami ung serving. Di nga namin naubos lahat e. Buti na lang may fridge hehe. Ayun so picture picture, kain, tutbras/etc, then tulog.

PS. Ok ang haba na nito. Day 1 pa lang yan e half day lang yan! naku pano ko pa ikkwento ung ibang araw. ang hirap! pero cge bahala na. next time ko icontinue. basta day 1 muna. Pag sinipag ako day 2 naman hehe.

PS PS. WOW umabot ka hanggang dito. Sipag mo hehe.

What Gianina May Means

Dahil nakita ko sa blog ng aking ka-opism8 na si

  ang tungkol sa meaning ng pangalan nia… tinanong ko kung san ang link nito para naman ma-update ko ang blog ko hehe. Anyways, pinost ko sia dahil parang sobrang accurate nia sakin wahaha.

You are deeply philosophical and thoughtful. You tend to analyze every aspect of your life.
You are intuitive, brilliant, and quite introverted. You value your time alone.
Often times, you are grumpy with other people. You don’t appreciate them trying to interfere in your affairs.

You tend to be pretty tightly wound. It’s easy to get you excited… which can be a good or bad thing.
You have a lot of enthusiasm, but it fades rather quickly. You don’t stick with any one thing for very long.
You have the drive to accomplish a lot in a short amount of time. Your biggest problem is making sure you finish the projects you start.

You are usually the best at everything … you strive for perfection.
You are confident, authoritative, and aggressive.
You have the classic “Type A” personality.

You are very intuitive and wise. You understand the world better than most people.
You also have a very active imagination. You often get carried away with your thoughts.
You are prone to a little paranoia and jealousy. You sometimes go overboard in interpreting signals.

You are confident, self assured, and capable. You are not easily intimidated.
You master any and all skills easily. You don’t have to work hard for what you want.
You make your life out to be exactly how you want it. And you’ll knock down anyone who gets in your way!

You are a free spirit, and you resent anyone who tries to fence you in.
You are unpredictable, adventurous, and always a little surprising.
You may miss out by not settling down, but you’re too busy having fun to care.

Wala akong masabi dahil sobrang accurate nia. Kung gusto nio icheck ung names nio, punta na lang kayo sa link na ito: What’s your name’s hidden meaning quiz

Cge un lang. Try nio 😀

Tag Cloud