My journey then til now

Hong Kong Trip (Day 2)

Kahapon, bago matulog ay napag-usapan ng ilan kong kasamahan na pupunta sila ng Ocean Park. Di ko pa rin alam kung saan ako sasama kasi may iba din lakad ang iba ko pang kasama dahil balak nila pasyalan ang city of the stars (un ata un) at gusto ko rin sana makapunta dun.

Maaga akong gumising, mga 5 am, pero may mas nauna pa rin sakin.  Mejo madami kasi kami kaya naisip ko maagang gumising para makaligo ako ng maaga. Mejo matagal din kasi ako maligo kaya para di makaabala edi inaagahan ko maligo. Ayun pasok ako ng CR hehe. Syempre mejo nakakapanibago kasi may bathtub e wala naman ganun sa bahay namin. Tsaka may hot and cold water ang shower nila kaya kelangan pa timplahin ung tubig. Aba! di ko ata natimpla ng tama kasi ang INIT ng lumabas na tubig. Buti na lang tolerable kahit papano.Tas huli ko na nalaman kung pano talga matitimpla ng tama ung tubig. Oh well, basta nakaligo ako ng matiwasay :D.

Kinain ko na din ung noodles na dinala ko tsaka kumain na din ako ng natira naming pagkain. Nga pala, ung tinirhan namin e marami namang ammenities. Meron nga ring lutuan kaso nga lang di naman kami marunong magbukas ng gas kasi mejo kakaiba sia kaya di na namin ginalaw.

Naisipan ko ng sumama sa Ocean Park para naman mabisita ko ang isa sa madalas na pinupuntahan sa HK. Ang problema ngaun e wala akong HK dollar kasi nga di ko pinapalit lahat ang pera ko dahil balak ko sana sa money changer ako magpapalit. Di ko naman alam kung may madadaanan kaming money changer pero inasahan ko na lang na may madadaanan talga kami kaya ayun sama na ko sa kanila.

Apat kaming umalis patungong ocean park. Syempre ung dilemma ko muna. Ang kawalan ko ng HK dollar. Nakakatuwa ang aming experience ng paghahanap ng mapagpapalitan ng pera. Una ay nagpunta kami sa Trade Center. Bakit kami nagpunta dun??? Inisip namin dahil "Trade" center sia ay merong palitan ng pera dun. Walking distance din kasi sia dun sa pinag-stayan namin. Kaya ayun pasok kami sa building. deceiving lang pala ang pangalan ng building na yun kasi muka siang office building :D. Nagtanong kami sa reception dun at dahil hindi sia nakakaintindi ng english ay nagtawag pa sia ng kasama nia sa loob ng building na nakakaintindi ng english. Syempre tinanong namin kung san pde magpapalit ng dollar. sabi nia may bangko daw na malapit sa area na pde namin puntahan kaso nga lang 9 am pa un magbubukas. So ayun labas kami ng building tas nagdecide kung ano ang sunod naming gagawin. Dahil 8:30 am pa lang ata nun e naisipan na lang namin sa may MTR terminal na lang dahil may mga malls naman dun kaya bka may money changer.

Pumunta na kami ng train station at sumakay sa train. Napansin ko lang na mejo maraming sumasakay ng oras na yun kumpara nung bagong dating namin. Para din siyang "rush hour" dito sa pinas kasi masikip din. Weekdays kasi nung panahong yun kaya malamang mga papuntang office at school ang mga nakasabay namin. Pagdating namin sa station na dapat naming puntahan ay nagsimula na kaming maghanap ng money changer. Una kaming nag-try sa isang stall naparang bank dun. Ayun nagtanong kami kung nagpapalit sila ng dollar. Ang problema, wala naman akong bank account sa HK kaya ang mangyayari kelangan ko pa magbayad ng 50HKD (not sure kung HKD or USD) para mapapalit ung money ko kaya di ko tinuloy. Naisip ng kasama kong si Tin na itry namin dun sa …. errr di ko maalala … anyway basta sa isang lugar na alam ng mga filipinos (hehehe senxa na sobrang tagal na kaya di ko maalala). Tanong kami sa guard kung san yun makikita tas nalito kami kasi di namin agad na decipher kung ano talga ung sinabi ng guard. kung E1 or D1 (ung E1 or D1 un ung eexitan depende sa pupuntahan mo). Kaya ayun taas baba kami ng escalator. Dito ko unang napansin na may patakaran pala sa mga escalator. Kasi naman may isang girl na nagmamadali tas galit na galit talga sia kasi nakaharang kami sa escalator. Dun lang namin napagtanto na dapat pala lagi kang nasa rightside pag di ka nagmamadali at leftside pag nagmamadali ka. Actually, parang may sinabi sia kaso "no idea" naman kami kung ano yun diba. Meron pa pala kong napansin sa escalator nila… mas mabilis ito kumpara sa escalator dito sa pinas. Sobrang nakakapanibago lalo na nung unang beses kasi syempre kelangan mo mag timing :D.

Balik ako sa kwento ko. Ayun na nga, hanap kami ng hanap nung  lugar na yun tas nakakatawa talga tong pangyayaring to. Habang naghahanap kami, may lumapit samin na isang babae. Narinig ata kaming naguusap ng tagalog. Aba si ate! naintindihan kami at biglang…. TOINK! Nagsabi ng directions in TAGALOG! o diba kagulat-gulat. Thankful na din kami kasi atleast mas napadali ang communication kasi tagalog e. Pde mong itanong ng maayos at sagutin din ng maayos. Kaya ayun nagpunta na kami sa lugar na yon. Nahanap na namin tas pagpunta namin dun. Wow… di na ko nomad hehe. Naiintindihan ko lahat sila kasi ung pinuntahan namin ay nagsasalita ng tagalog. Nagkaproblema pa nga nung pagdating ko e. Kasi di naman pala sila nagpapalit ng dollar pero buti na lang ung isang kasama nila ay nagpapalit ng dollar kaya ayun napalitan ko din sia. 🙂 Dito ko masasabing nagtutulungan ang kapwa pilipino sa oras ng kagipitan :D. Ayun solved na ang dilemma ko. Ngaun ang sunod na dilemma, hanapin ang sakayan patungong ocean park. Tinanong na rin namin sa kanila kung pano magpunta dun kaso nga lang mukang di ata nila alam.

Habang naglalakad, inisip namin kung kakain kami dun sa mall or sa ocean park na. Una tumingin kami ng mga kakainan. Ok lang naman ang price. Di ko na kinoconvert kasi ma-sstress lang ako pag inisip ko pa ung conversion. basta OK lang ung price para dun sa kakainin mo (pero pag inisip ko ngaun, pag convert ko sia, compared dito… mahal nga hehe). Yun nga lang, di uso ang rice, kaya matapos ang paglilibot sa mall ng mahahanapan ng kainan ay napagdesisyunan na lang namin na sa ocean park na kumain. Baba kami at nagtanong kung ano ang sakayan patungong ocean park. May mga patawid-tawid din kaming ginawa. Natakot pa nga ko kasi bka mamaya majay-walking kami kaya pag may tatawid na ibang tao tsaka lang kami tatawid hehe. Para safe :D. Ayun wala kaming matanungan. Parang mejo ilang ang lugar kasi walang babaeng dumadaan so no choice kami kundi magtanong sa guy. Ayun nagtanong kami. Di sia nakakaintindi ng english pero mukang naintindihan nia ung sinabi namin. Nakakatuwa kasi talagang ni-ttry nia iexplain kung saang bus ung dapat namin sakyan. Nung pag thank you namin tas mali ung dinadaanan namin, sinabi pa nia na dun sa kabila (parang ganun). Siguro talgang mababait ang mga tao pag foreigner hehe.

Nahanap na namin ang sakayan ng bus patungong ocean  park. Bili kami ng ticket. Yung ticket na yun para sa bus na sasakyan mo papunta and ung entrance mo dun sa ocean park mismo … siguro as a reference na din, yung price nia nasa 200HKD (do the math na lang :D). Sakay na kami ng bus. Di ko pala nasabi, yung mga bus dun ay ung may 2 floors. Syempre, para maexperience namin, dun kami sa second floor umupo.  Di naman kakaiba ung feeling pag nasa second floor ka ng bus. Mas mataas lang talga ung nakikita mo. After several minutes (mejo exact kasi dun. kung ano ung nakalagay na departure time at arrival time, almost ganun din ang dating ng bus) Sa wakas! nakarating na kami ng ocean park.

Ang init nung time na yun kaya mejo ang hirap mamasyal pero ok lang. Pagpasok namin, wala kaming plano hehe. Kaya taas kami ng escalator. Next stop, escalator ulet… next… escalator ulet?!!! at dahil ang dami na naming nasakyan na escalator, naisipan nalang naming kumain muna 😀 para atleast  pag namasyal na kami ay derederetso na. ayun baba naman kami ng escalator. O diba, ang "jyouzu" na namin sa pag eescalator. Pag dating namin sa kainan… sa loob loob ko, sana nagdala ako ng tubig kasi mura yung tubig dun sa 7-11 na malapit sa pinag-stayan namin. Ginto ang TUBIG sa loob ng ocean park (to think na malapit sia sa tubig). Anyways, bumili na kami ng makakain at nagstart kumain. Wow! parang pilipinas talga. Bakit kamo?? kasi ang daming pilipino. Kaliwa’t kanan maririnig mo silang mag-usap at mapapansin mong naiintindihan mo sila. Matapos namin kumain napansin ko na dapat ata "CLAYGO." parang sa skul namin… ibig sabihin nun "clean as you go" kaya tinapon ko ung mga pinaglagyan ng food. Mejo natagalan ako sa pagtatapon kasi may iba-ibang colors.. sa skul namin dalawa lang ung color ng basurahan, green at black kaso sa HK 3 ung color… green, black and yellow. Nakasulat naman kung ano ang mga dapat itapon sa bawat basurahan. Habang nagtatapon ako… may lumapit sakin… nagtanong ng directions in… CHINESE/HK DIALECT?!!! WHHAAATTTTT!! di ko nagets..di ko din alam ang  irereply ko kasi na dumbstruck ako. Nagulo ang isip ko kasi di ko alam kung ang isasagot ko ay "di ko naintindihan", "i don’t understand" o "wakarimasen" dahil sa sobrang dami na ata ng language e naglabo-labo sila bigla. Sa huli sabi ko  "Sorry but i can’t understand…". Tas mejo nag explain sia na napagkamalan nia kong nakakaintindi kasi from their gestures un ung pinaparating nia. Hehe natawa lang ako kasi pde na pala ko tumira sa HK ng di mapagkakamalang pilipino  bwahahaha.

Pagkatapos kumain ay nagsimula na talaga kaming mamasyal. Nagsimula kami sa pinakataas na lugar ng ocean park. Malaki kasi ang ocean park. SOBRANG LAKI na imposible talaga sia malibot ng isang araw kaya inuna na namin ang mga lugar na may mga fishes  talaga para atleast kung di man namin malibot lahat, napuntahan namn namin ung mga dapat puntahan. Madami naman kaming nalibot (tingnan nio na lang sa pictures) at nakasakay pa kami sa cable car (twice), sa hot air balloon, at sa parang tower na umiikot. Masayang lumibot kaso talagang kami na mismo ang nag give-up dahil sobrang nakakapagod. Dun sa cable car, dun namin nakita na may mga rides pala talga. Yung adult rides, kaso nasa ibang area sia. E nung time na yun kelangan na  naming umalis dahil immit pa namin ung mga kasama namin sa ibang lugar para sabay sabay kaming pupunta ng mongkok at puntahan ang place na bilihan ng mga Japanese magazines and Japanese stuff hahaha.

Paglabas namin ng ocean park, akala namin may bus ride. Kaso may time pala kung kelan lang sia nagsasakay pabalik dun sa station kaya no choice kami kundi mag-taxi (nasakyan na namin lahat ng commuters’ land transportation ride sa HK). Muka namang walang palpak na metro sa HK. Parang may exact price na din sia depende sa station na pupuntahan mo. Kaso lumagpas kami dun sa supposed price kaya may extra payment. Nagtaka nga kami dun e parang may 10% additional ng actual price pero binayad na rin namin. Strict din dun sa mga seatbelts. Nakasulat mismo dun sa taxi na dapat nakaseat belt ka kasi lagot either ikaw or ung taxi driver pag nahuli kayo.

Balik na ulet kami ng train at pumunta sa place kung saan imit namin ang mga kasama namin. Nagmit kami sa Mcdo dun. (nakalimutan ko na kung saang part ng HK). Syempre umorder kami ng food. Dahil di kami marunong magsalita, turo-turo method hehe. Siguro para reference ulet, mga nasa 20-25 HKD ung burgers dun. SUlit naman sia kasi ang laki ng servings! As in! Ung regular nila dun parang Upsized dito satin and ung burger nila dun sobrang laki. Kaya di ka rin talga manghihinayang. Yun nga lang burgers lang ang nasa mcdo. Di tulad dito may rice :D.

Dahil di pa rin lahat dumadating sa miting place ay pumunta muna kami sa store na bilihan ng LV bag. May pinapabili kasi ang tita ng kasama ko kaya pumunta kami sa store na yun. Mejo nahirapan din kaming hanapin ang store na yun kasi ung mga tinatanungan namin parang di alam kung ano ung LV. Nakakapagtaka no… to think na known brand sia hehe. O well, bka di lang nila nagets kung ano pinagsasabi namin. Makalipas ang ilang minutong paghahanap ay nakita na rin namin ung store. Pagnakita mo ung store na to, nakahelera na rin lahat halos ng branded stores. First time kong umapak sa ganun kagarang store hehe. Kami lang ata ang mukang OP dun sa place na un. Buti na lang mejo mahal ung binili na bag ni Rhodz. Pagkatapos nun ay bumalik na ulet kami sa miting place dahil dumating na ung ibang kasama namin. Ang sunod naming planong puntahan ay ung bilihan ng mga japanese magazines.

Nakakatuwa ang paghahanap namin ng store na to. Alam kasi namin na nasa loob sia ng isang mall. Meron naman kaming address kaya ok lang. Nung nahanap na namn ung mall, aba nagulat ako sa dami ng tao. Sale kasi nung panahon na un at sobrang sikip talga nung place. Kala mo christmas rush sa pinas… ganun sia kasikip. Anyways, sa ibang floor ung store na un. Parang 11th floor ata sia kaya ayun nag-escalator kami. Grabe sa dami talga ng tao. Buti na lang habang pataas kami ng pataas ng floor ay unti-unting kumokonti ang tao. Pagdating namin ng 6th floor (kung tama ung naaalala ko) wala na ung continuation ng escalator kaya nagtaka kami kung bakit sa 11th floor sia pero wala na ung continuation. Di ko na alam kung pano namn nalaman na may iba pang escalator para makarating ka sa higher floors pero buti na lang at nakita iyon ng mga kasama namin. Dapat nga mag eelevator na kami kaso ang tagal tagal ng pag hihintay at ang daming sumasakay. Kaya minabuti na rin naming mag escalator. Nung nasilayan na namin ung store na yun. Grabe parang heaven! hehe ang daming magazines ng Johnny’s! Bwahaha Kaso nga lang mejo expensive sia pero ang dami talga! Ang masaklap nga lang wala gaanong magazine na usual na nag aappear ang Larc.

After ng store na ito ay pumunta naman kami sa isa pang store na mabibilhan ng second hand stuff. Syempre may address ulet kami… ang problema nga lang dun sa address na un mejo di namin sia nagets agad. May numbers kasi sia e at ung parang walk way dun nakasulat ung numbers. Kaso nga lang parang di namin makita ung number na hinahanap namin kaya nagtanong na kami. Makalipas ang matagal na paglalakad at pagtatanong ay narating namin ung building na dapat naming puntahan. Taas kami ng elevator pero nung dumating kami dun sa floor kung saan dapat nandun ung store e… WALA NA SIA DUN! Buti na lang may nakakita samin at sinabihan kami na sa ibang lugar na ung store na yun. Di ko alam kung pano namin nagets kasi pure chinese ata ung sinabi nia at parang ung body language na lang ata ang naintindihan namin pero mejo tinuro nia ung way kung san namin dapat makita ung store. Katabi lang pala ung nilipatan. Buti na lang hehehe. Ayun taas ulet kami ng elevator (na mejo mukang cr) at nung nagbukas ang elevator…. para kaming nakawala sa kulungan hahaha. ANG INGAY NAMIN! Parang heaven ung pinasukan namin na store. Bawat lingon ko puro pics ng JOHNNY’s Entertainment hehehe. Tas syempre may part dun na puro Larc!! tas may part dun na puro Hyde. Sobrang gusto ko ng bilihin lahat ng pde kong bilhin dun. Kung di lang ako nagrereserba ng pera para sa concert nung panahong un e namili na talga ko dun ng todo. Sobrang hirap tuloy pumili kasi sa dami ng pdeng bilhin, di ko na alam kung anong dapat kong bilhin. Ang bait pa sobra ng mga staff nung store na un. Nakakapag english sila ng straight english at todo service talga sila. lahat ng tanong namin ay sinasagot nila. Nakakatuwa din ang owner kasi mukang naaliw ata sia samin dahil may mga surprise giveaways sia pag wala ng mga customer kundi kami na lang. Siguro first time nilang makakita ng sobrang iingay na customers. Ung mga nakita kasi naming customer dun e mejo tahimik lang. Ang saya talaga sa store na to at worth it ung paghahanap namin sa kanya.

Pagkatapos ng store na ito.. naghanap kami ng bibilihan ng pasalubong kasi ung ibang kasama namin  ay mas maagang uuwi ng pinas kesa samin. Un nga lang, dis oras na ng gabi. Inabot na ata kami ng 12 AM kaya naisipan na din naming umuwi na lang. Tsaka sobrang pagod na kami. Buong araw ata kaming naglakad ng panahong ito kaya sobrang sakit na ng mga paa namin. Naisipan na naming umuwi para din may pahinga pa kami para sa event na talagang pinunta namin.

Swerte kami kasi may MTR pa. Ang akala ko nga 24 hours ung train station pero nde pala. Nung pauwi pa nga ay nagkaron pa ko ng problema sa ticket. Hindi ko alam kung bat biglang di na sia gumana tas ang ginawa ko nung d sia gumana ay ni re-attempt kong iswipe ulet… ayun lalong lumala ang problema. Punta ako dun sa parang bilihan ng ticket. Nag explain-explain ako in English. Ewan ko kung naintindihan nia pero basta ang parang sabi nia ok na daw un pag ginamit ko bukas. Nde ko na maalala kung pano kami nagkaintindihan basta nagkaintindihan kami hehe.
 

Sobrang nakakapagod ang araw nato pero masaya naman dahil marami kaming napuntahan.

Senxa na sobrang haba nito. PUtol-putol ko kasing ginawa to. Pag naiisip ko lang tsaka ko sinusulat. Pagtyagaan nio n lang. Salamat sa pagbasa 😀

Advertisements

Comments on: "Hong Kong Trip (Day 2)" (4)

  1. hi gian! i’m amazed you still remembered ung hk escapade niyo 🙂 hehehe grabe yung sa ocean park nga ang init nung pumunta kami tapos halos half ng time we spent there eh parang isinakay lang namin sa escalators. nakapagdisney ba kayo? =)

    • Uu kasi may pictures din kasi kaya mejo naaalala ko ung pagkakasunod-sunod ng event :D. Di kami nakapag-disney e. Naubusan na kami ng money 😀

  2. I tried checking out ung pictures ko dito and somehow I got a shot of their website. boxcity.com.hk kaya lng nung nitry ko yung site parang di na sia working. Anyways boxcity ung store na yun. Sana nandun pa rin ung store na yun sa HK. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Tag Cloud

%d bloggers like this: