My journey then til now

Archive for the ‘Career’ Category

Haay Salamat!

Kamakailan lamang ay kumuha ako ng SCJP 1.4 exam.
Sa awa naman ng Diyos ay ipinasa ko sia at di ko akalain na mataas ang makukuha ko. 

Kahit ako nagulat sa score ko. Feeling ko tuloy ang swerte swerte ko na ung inaral ko un ung lumabas.

Siguro chance ko na rin to para pasalamatan ang lahat ng dapat kong pasalamatan.

Unang-una, Syempre ang Panginoon dahil binigyan nia ako ng sapat dunong para maipasa ko ang exam.
Pangalawa, Ang manedyer ko at ang bossing ng manedyer ko dahil “ni-require” nila akong kumuha nito.
Pangatlo, Ang aking TL dahil pinayagan nia akong mag-aral kapag wala kaming “work item”
Pang-apat, Ang aking pamilya at mga kaibigay dahil ako ay patuloy nilang sinuportahan.
Pang-lima, Ang aking mga ginulo sa tuwing ako ay nag-aaral. Di ko na kayo babanggitin kasi di nio naman to binabasa hehe
Pang-huli, Ang Laruku dahil kung wala sila di ako “inspired” hehe.

So ano ang teknik para pumasa? Hmmmm…..

mag-aral at konting sakripisyo :)) Nagpaka-GEEK mode talaga ako.

Ang simple no!
pero yun talaga ang tanging solusyon para pumasa. Inisip ko na lang wala na kong pera kaya kelangan kong ipasa to para marefund ko naman ang ginastos ko 😀

1. Gumawa ako ng skedyul na per topic na dapat kong aralin.

Dahil nga ilang linggo lang ang ibinigay sa akin bago ako mag-exam e, kinailangan ko talagang gumawa nito para naman alam ko ang mga dapat kong aralin. Wala pa rin kasi akong gaanong alam dito sa inexam ko kaya kelangan alam ko lahat ng topics na dapat kong aralin.
 
2. Binasa ko talga ung bawat topic at sa abot ng aking makakaya ay pinilit kong sundan ang skedyul na ginawa ko kahit sobrang hectic ng nagawa kong sked.

Nagprint pa ko ng lahat ng topics para di ko na kailangang buksan ang computer habang nag-aaral ako. Para pati bago ako matulog ay makapagbasa ako kahit na bigla akong matulog. Atleast bago ako matulog e nagbabasa ako hehe.

3. Nag exam overload ako. Lalo na ung last week, Exam GALORE!

Maliban dun sa weekly exam na nirequire ko sa sarili ko, nagpaka-adik ako at nagexam ako araw-araw. Syempre di maiiwasan na mababa ang makukuha ko sa exam. OK lang un basta dapat alam ko kung pano ko nagkamali. Basta dapat reviewhin lang pagnatapos na ung exam. Lalo na ung part na nagkamali ako. Un kasi ung teknik para di ko na sia makalimutan. Minsan pa nga dapat kakausapin ko ung sarili ko tas ieexplain ko sa sarili ko kung bakit ganun ang nangyari. Sa umpisa nakakafrustrate kasi parang wala kong maitamang sagot pero nung marami na kong naiexam. Wala na. Parang wala na lang mag-exam sakin. Ang dali ko ng makita ung sagot. Ewan ko. ganun kasi sa case ko e. Tas pag stuck na stuck na ko at di ko na malaman ang kasagutan, jan na papasok ang mga taong dapat kong guluhin.

Pag weekly exam naman, talagang gusto ko as much as possible naipapasa ung exam. Kaya minsan kahit pagkauwi ko na tsaka na ko nagsisimulang mag exam sa bahay para atleast di ako maputol.

Nag-enjoy ata akong mag exam. Gumigising ako ng madaling-araw para mag-exam. Nung weekend nga bago ang nalalapit kong exam, buong araw atang nakabukas ang PC at lahat na ata ng posibleng iexam sa web ay naitry ko. Ung araw bago ang exam ko nag exam pa ko ng 2 mock exam maliban pa sa mga inexam ko sa opis. Mabilis na din kasi akong magexam. Ung tipong 2 hours ko dapat sinasagutan e in 1 hour natatapos ko sia. Talagang nagpaka adik akong mag exam. hehe

Yan lang ang tatlong maipaayo ko sa lahat ng gustong mag-exam ng inexam ko 😀

Baka naman sabihin nio nawala na ang aking social life. Sa totoo lang nasobrahan ako ng pag gala kaya napilitan din akong mag CRAM nung last week. Di ko na nga maisip kung pano ko napagkasya ang mga panahong iyon dito. Di na yun related dito kaya ung mga napuntahan ko, ikkwento ko na lang sa ibang blog entries ko 😀

Nakalimutan ko palang banggitin kung para saan lahat ng sakripisyong ito. Hmmmm isa lang ang sagot…

PARA AKO AY MAREGULAR HAHAHAHA 

8 Hour Sleep???

Kelan kaya ako ulet makakatulog ng matagal?

Dalawang linggo na ang nakakalipas simula ng ako ay magsimulang mag training. Batid ko naman na ito ay isa itong matinding pagsubok na nangangailangan ng puspos na konsentrasyon. DI KO LANG AKALAIN NA GANOON SIYA KATINDI!

Bawat araw ay mayroon kaming pagsusulit na susubok sa napagaralang katuturo pa lamang. Nagpapasalamat naman ako sa Diyos at kahit papano ay matataas ang mga marka na nakukuha ko sa pagsusulit ngunit syempre meron itong kapalit… Ito ay ang pagpupuyat ko araw araw para lamang mag-aral.

Sa aming Nihongo ay kadalasan mayroon kaming 3 asignatura na kailangan ding ipasa kinabukasan at kailangang basahin na ang Lesson upang maging handa sa pagsusulit at hindi din maging clueless sa itinuturo. Hindi kasi sila ganoon kagaling mag-ingles kaya mejo awkward ang pagtuturo. Para naman sa aming IT ay mayroon kaming 2 asignatura na kailangan din ipasa at maliban pa doon ay kailangang naming basahin ang 2 chapter ng libro upang maging handa sa pagsusulit. SUMA-TOTAL: 3 Babasahin araw araw at 5 asignatura para sa araw lamang na iyon.

Kadalasan ay 6:00 – 7:00 na ako ng gabi nakakauwi at dumarating sa bahay ng 8:00 – 9:00. Pagdating ko doon ay gagawa na ako ng mga asignatura at pinipilit kong tapusin ang babasahin sa araw na iyon. Sa awa naman ng Diyos ay nagagawa ko silang lahat ngunit malaking sakripisyo ang nilalaan ko. Matagal na ata ang 3 oras na tulog sakin araw araw… Minsan tuloy para na kong tutumba sa sobrang antok.

Hindi naman ako nagrereklamo ngunit marahil ay namimiss ko lamang ang aking matagalang pagtulog nuong ako ay di pa nagsisimulang magtraining. Buti na lamang talga at gusto ko itong ginagawa ko kung hindi…. marahil ay sumuko na ko.

Ngayon mag aadvance reading na ko upang magkaron ako ng time matulog. Sana matapos ko at ako ay maka survive 🙂

Jump Start

I’ve just submitted the acceptance letter and agreement for my training under the ACTION program of Advanced World Systems. I’m not sure how intensive the training is but I hope I’d be able to finish it. I get to study Nihonggo and IT both at the same time. I just hope I’ll still have time for myself when the training starts. I have this weird feeling that it’s going to take up most of the time.

They have already given me a homework which I should finish and submit on the first day of training. It’s for the Nihonggo part of the training. I have already browsed it and it’s quite simple since I’ve already memorized hiragana and katakana before.

It’s a must for me to pass the Level 3 JLPT exam and the PHILNITS/JITSE exam. It’s kinda part of the requirement.

I’m really excited. I hope this excitement won’t go away when I’m already training.

At Last!

I think I’d be able to get a job! I just received a message telling me that I passed the final interview and that they are inviting me to attend this coming Thursday for the job offer.

I really can’t believe it! After several months of applying to different companies, I finally landed to something I really wanted. I almost felt it was destined to happen.

I learned about this job last January when they still haven’t advertised it yet. I decided to send my resume but it kept bouncing back to me. I decided to call them and ask if it is possible to just walk-in and personally apply. They said it was OK and they would schedule me for an exam.

I took the exam and to tell you the truth, I was the only one taking the exam that time. The HR then told me that I was the first one to apply and they were still finalizing the ads about the job.

After a week, I received an email telling me that I passed the exam and they would schedule me for an initial interview. The initial interview happened after a month. However, during that time, I was also applying to different companies. I attended all the interviews and exams but somehow I ended up being turned down.

I attended the initial interview which I felt went well. I then followed up my application after 2 weeks and I learned that I passed the interview but the final interview is going to be scheduled after a month. They asked me if I would wait for it. Of course I said I would.

Still, I made sure I have other back up plans just in case I won’t pass the final interview. I decided to apply again to different companies while waiting for the final interview. I attended the exams and interviews. Some of it didn’t bother to inform me about the result while the others gracefully turned me down.

Everything seemed to be going the wrong way and I am starting to lose my confidence in ever finding a job. Just when I was thinking about these things, I received a call about the final interview. I also received a message and an email about 2 initial interviews. The final interview was scheduled on a tuesday while the other 2 were both scheduled on a wednesday. I decided to resched one of the interviews scheduled for wednesday and just attend the other one. As for the final interview, I attended it.

For the final interview, I was interviewed by a panel consisting of VPs, 2 Japanese and 1 filipino. It wasn’t too intimadating and I do felt I had the interview under control when the Filipino asked a really hard question regarding my applications with other companies. He asked me if ever the 2 companies offered me a job at the same time, would I take them considering that their offer is only an allowance during training. It was really hard for me to answer. I lamely replied that if it ever happened, I really don’t know what to do and that I’d probably ask my parents about it. It was a really lame excuse but I can’t think of anything to answer. I would have wanted to lie but I’m not good in doing it and it might look too plastic.

As I think about it at home, I felt I made a huge mistake. I was waiting for the reply about my rescheduled interview but it seemed they did not bother to reply anymore. As for my other interview that happened last wednesday, I received an email telling me I did not pass. I really felt at a lost. I don’t know what to do anymore if ever I also would not pass the final interview. I really felt I’m going to start all over again…

I decided to seek help. Spiritual help so to speak. I can’t think of anything else to do so I thought I’d give it a try. I asked GOD and ST. JUDE to guide me on this ordeal that I’m having. I really prayed hard. I never expected anything and then I received a blessing. I was HEARD! My prayers were answered! I almost can’t believe it happened too soon just when I was still starting my novena.

I really don’t believe in stuff like that but at that point I really felt at a lost. I was really happy They heard me and I do believe I owed Them a lot. I realized that all the hardships I had in finding a job paid off. I just needed to complete the task which was to ask THEM and let THEM do rest.

It was probably the only thing they’re waiting from me. If those things never happened, I probably wouldn’t have asked for Their help. I’m thankful for everything that happened to me for the past months I was looking for a job. I had a lot of experiences and learned a lot from it.

Now, I feel settled. Of course it still unofficial but I can’t wait to post it. 🙂 I hope Thursday would come already!

Autonomous Golf-Playing Robot (HNICEM 2007)

We presented our thesis paper for the 3rd International Conference on Humanoid, Nanotechnology,Information Technology, Communication And Control,Environment and Management (HNICEM 2007) held at Century Park Hotel. We were the first to present for the Parallel Session under the topic of Humanoids and Robotics. It was my groupmate who presented our thesis because only 1 person may present during the conference paper presentation.

Our thesis paper was entitled Autonomous Golf-Playing Robot. This is the overview of our thesis ^_^. This is not the actual abstract of our paper because I’m not sure if it is OK to post it.

Overview

Bleak

I feel that my future is very bleak … I wake up every morning waiting for a call that never comes. Sometimes I just want to forget about ever looking for a job but I know I can’t. It would be a shame in my part if I never found a job to think that I graduated from a reputable school and even passed the licensure exam.

I do have some progress though with my job hunting but I don’t feel assured about it. Even though they said that I’m already for a final interview, I still feel unsecured about passing that interview. Probably because of a lot of failed interviews/exams, I already have a low self-confidence about ever getting a job.

I still hope I’d be able to get the job. I have this weird feeling that it is my last chance of ever finding one because all the pending applications I have for other companies never even bothered to contact me.

I wish myself GOOD LUCK AND GOD BLESS!

Pagod na ko…

Inaalala ko lahat ng nangyari sa taong ito at napansin ko na paulit ulit ang nangyayari sakin. Ramdam ko tuloy na ako ay talagang pagod na….

Nuong Valentine’s Day ay naimbita ako para mainterview naman sa Fujitsu. Maaga akong pinapunta sa opisina nila. 8 am ng umaga ang aking skedyul kung kaya’t maaga akong umalis sa bahay namin, mga 5:30 ng umaga. Ako’y pinagsagot muna ng isang personality exam at isang technical exam. Pagkatapos nuon ay nabanggit nila ang application process at ang mga benepisyo ng mga matatanggap ng mga applikante. Natuwa naman ako sapagkat maganda ang kanilang inaalok sa mga magiging empleyado nila. Pagkatapos naman nuon ay ang personality interview. OK naman ang mga pangyayari dahil ako’y naimbita muli para sa ikalawang interview, ang technical interview.

Di ko alam kung mag-aaral pa ko o hindi dahil maikli lang ang panahon para mag-aral. Kinabukasan na rin kasi ang interview at marami rami rin ang topics na pinaaaral. Naisipan kong basahin lahat ng pwede kong basahin upang hindi naman ako mapahiya sa interview. Inaral ko din yung mga topics na di naman naturo samin nuong college dahil kasama sia sa pinaaaral sakin nung HR.

Kinabukasan ay nagpunta muli ako sa opisina nila. Kinakabahan din talaga ko dahil di pa ko na-technical interview kahit kelan. Dumating takdang oras at nagsimula ang interview. Ito ay isang panel interview. Sa simula ay ok naman ang lahat dahil pinag-usapan lang ang aking resume atsaka ang thesis namin. Sumunod naman ang technical interview. May isang problema na nakalagay sa board na dapat kong sagutan. Binigyan ako ng 3 minuto para sagutin ang tanong. Mukha namang madali ang tanong at kampante ako sa sagot ko. Ngunit nung pina-simulate na ang sagot ay napansin kong mali ang sagot ko sapagkat ang kanyang output ay di tugma sa inaasahan. Duon na nagsimula ang sunod sunod kong pagkakamali. Dahil nga mali ang sagot ko ay binigyan ulet ako ng pagkakataon na baguhin ito. Iniba ko ulet ang sagot ko ngunit mali pa rin habang sinisimulate ko ang sagot. 3 beses akong nagkamali at kahit ung huling sagot ko ay mali rin. Halos wala na kong mukhang ihaharap. Talagang nahihiya na ko. Ayoko na sanang ituloy pero di naman pwede. Pinaupo na ko. Gusto ko ng umiyak dahil alam kong wala ng pag-asa pang makuha ko ang posisyon na iyon pero di naman pwede. Nagtuloy ang interview at idiniscuss nila ang mga departamento sa kanila. Sa loob loob ko ay nanlalata na ko. Sa pagdidiscuss nila ay nabanggit nilang kung may ibang opening sa kanila na hindi ganun ang trabaho ay tatanggapin ko ba. Sinabi ko ay ang gusto ko talaga ay yung posisyon na inapplayan ko. Natapos ang interview at umuwi na ko.

Habang naglalakad ako ay naiisip ko ang nangyari at naiiyak talaga ako. Nag-aral naman ako sabi ko sa sarili ko pero wala pa rin. Di ko na talaga alam kung ano pang gagawin ko. Pag-uwi ko sa bahay ay tinry ko ulet ang problema. Sa kamalas malasan ay nagawa ko at nasagot ko ang tanong. Inis na inis ako sa sarili ko. Malamang ay nagpanic na naman ako dun nung di ko nakuha ang sagot. Haayyy

Di na ulet ako tinawagan muli. Sabi kasi ng HR ay sa hapon ay tatawag sia para sabihin ang resulta ngunit di na ito nangyari. Alam ko naman na wala na rin akong aasahan kaya’t eto na naman ako at magsisimula muli. Pagod na talaga ako. Di naman pwedeng tumigil ako sa paghahanap dahil walang mangyayari sakin. Bawa’t linggo ay umaalis ako ng bahay para sa mga interview o exam pero wala naman nangyayari.

Ganito ba talaga? Ang hirap naman! Sana lang ay di maubos ang pasensya ko sa paghahanap at sana di ako maubusan ng tiwala sa sarili. Sa totoo lang, sa tuwing di ako natatanggap ay nawawalan na ko ng tiwala sa kakayanan ko. Ayoko sanang mag-isip ng ganun pero di ko maiwasan…

Ayoko na talaga!

Tag Cloud