My journey then til now

Archive for the ‘life’ Category

Pump gear at work

I would like to share with you my pump gear at work.

These are the bags I bring in our Mom’s room. An Igloo thermal bag at the right and a separate bag for my pump motor. I have them separated since I leave the pump motor at work.

20140504-112031.jpg

This is my avent dual electric pump. It has its own bag at home but I did not ise it because it is too big. I just used a smaller bag I was able to find at home. Inside, it has the motor, the pump suction and the adapter.

20140504-112408.jpg

This is my setup at work. In my cooler, i have 6 bottles of 4 oz avent bottles, pump flanges wrapped by a white cloth, techni-ice and 4 ice gel packs.

20140504-112659.jpg

I leave our house around 7:30 am and go back at home aroung 9 pm daily. So I’m away for around 14 hours. My milk still stays cold with the amount of ice packs I bring at work. I don’t put it in our common refrigerator because it is too crowded with a lot of food from different people and it is far from the mom’s room.

I also have an alcohol, hand sanitizer, pen and masking tape in my igloo cooler for hygiene and marking purposes.

These are all the things I bring at work. It is heavy to bring especially when the gel packs starts to thaw but I could libe with it.

Advertisements

Work and breastfeeding

I’ve been breastfeeding for 8 months now and have been back at work for around 5 months already. I must say I have gotten used to pumping milk at work.

To give everyone an idea on how I do it at work, I’ll share my story 🙂

When I first went back to work, it was very awkward for me to pump despite having a Mom’s room at work since I’m the kind of person who only leaves my desk when there is a meeting and lunch. I rarely take break from work so it was new to me to leave my desk to do something else. I initially brought with me my avent manual pump just so I don’t have to bring something bulky at work and just to be discrete. I also just pumped twice at work with an interval of over 5 hours.

For the first month or so being back at work, the routine was fine until I noticed a gradual decrease in my supply. Also, I noticed I needed to stay in the Mom’s Room longer just to reach my quota of breastmilk. When I started work, I could initially take home around 11-12 oz of bm. However as weeks gone by, it came to a point that I could only produce around 7-8 oz. Not enough for my growing baby 😦

I decided to do some drastic measures. I brought my avent electric dual pump eventhough it is bulky and pumped 3 times at the office. I decided to bring it at work despite being bulky since it would take less time to pump and could produce more output. It would just be a little inconvenience while going to work but more efficient while at work. Now I could already produce around 16-18 oz at work. Just enough for my baby.

Here is my routine now:
1. At around 6 am, my baby latches to me.
2. We eat breakfast at around 7 am and leave for work around 7:30 am.
3. I arrive at work around 9 am and pump milk upon arrival. This would last for atleast 15-20 minutes. Just in time for our early morning meeting at 10 am.
4. I take my lunch around 11:30 am and finish around 12 noon. I pump again around 12:30 or 1 pm depending if there is a scheduled meeting at noon.
5. Just before i leave work, i pump for the last time. So that would either be around 6-7 pm.

You might notice that my intervals are not the usual intervals, but this schedule worked for me and I have been doing this sched for atleast 3 month. My body seemed to have gotten used to this setup.

Sometimes in the afternoon, i pump much later, around 2 pm due to a lot of meetings sceduled for the day. But i only do this occasionally so as not to let my body get used to the schedule.

I do feel sometimes that it is a lot of sacrifice. Being tired at work and pumping at work is like 2 different work being done. But I always try to remember that If I won’t pump milk, what would my baby drink?!

Just to make my pumping not too boring, I fb during my pumping breaks. I learned how to pump handsfree despite not having a hands free bra! Just doing some acrobatic stuff haha.

I also learned how to not feel guilty when I’m pumping milk. I don’t know how I learned it but eventually since I have gotten used to pumping milk, I felt it was natural for me to have this break for pumping. I realized that if others use their break to yosi, or to eat, then why not use my break for pumping right!

That’s me pumping at work. Next time I’ll post my pumping gears. 🙂

Hong Kong Trip (Day 2)

Kahapon, bago matulog ay napag-usapan ng ilan kong kasamahan na pupunta sila ng Ocean Park. Di ko pa rin alam kung saan ako sasama kasi may iba din lakad ang iba ko pang kasama dahil balak nila pasyalan ang city of the stars (un ata un) at gusto ko rin sana makapunta dun.

May 23: (Pinakamahabang araw)

Hong Kong Trip (Day 1)

Unang-una, sobrang late na nitong kwento ko. Pero naisipan ko na ring gawan ng post dahil bka makalimutan ko pa ang super great experience na ito hehe.

Nuong May 22-26, ako ay nagpunta sa Hong Kong kasama ang aking mga “kapanalig”. Marahil iisipin ng karamihan na kaya ako nagpunta doon ay para makapamasyal sa Disneyland o di kaya ay sa Ocean Park ngunit hindi iyon ang dahilan. Iisa lamang ang rason kung bakit kami nagpunta doon. Nalaman namin na magkakaron ng isang kapanapanabik sa “event” na di namin maaaring palagpasin. Eto ay ang Larc~en~Ciel concert. Sa sobrang pagmamahal namin sa bandang ito ay ginawan namin ng paraan para matuloy ang planong panonood nito.

Maraming naging problema bago maisakatuparan ang planong pagpunta sa HK ngunit isa-isa namin itong naresolba. Una ay ang ticket sa concert, ang titirhan namin, ang plane ticket at syempre, ang puno’t dulo ng lahat ng problema, ang pera. Di ko na ikkwento kung pano namin nagawan ng paraan ang lahat ng ito dahil hahaba lang ang kwento kaya punta na tayo sa aking pag-alis :D.

May 22:
Nagkita-kita kami sa naia ng bandang tanghali dahil gabi ang flight namin (di ko na maalala kung anong oras). Kelangan daw kasi mga 3-4 hours before the flight ay nandun na. Nga pala, first time kong umalis ng bansa kaya syempre excited ako at kinakabahan din.  

First time kong pumasok ng airport (o bka nakapasok na ko di ko lang maalala). First time ko din nakita ang loob nito. Dala ang aming mga bagahe, passport at ticket ay nagpunta na kami sa counter upang bayaran ang travel tax. Sa totoo lang naguluhan ako sa dapat gawin kasi walang nakasulat kung anong unang gagawin. Di katulad pag magrerenew ka ng lisensya atleast kahit magulo dun, may nakasulat na instructions. Kaya naman pagtapos namin magbayad ay derederetso kami para magbayad ng terminal fee ngunit hinarang kami ng SOBRANG BAIT na mga guard na di man lang sinabi ng maayos na hindi iyon ang sunod naming dapat gawin kundi ang magcheck-in ng gamit. Kaya ayun nag-check in na kami ng gamit. Mejo matagal ang pagccheck-in ng gamit dahil chineck pa nila ung credit card na pinambayad ng ticket. E-ticket kasi ang ticket namin. Pagkatapos nun ay nagbayad na kami ng terminal fee. NAPAKABAIT din ng tao dun sa counter. Dahil sa sobrang KABAITAN NIA ay kitang-kita sa mukha nia na kulang na lang ay pasanin nia ang buong mundo dahil ang sungit sungit nia. Nagkaron din ng inspeksyon. Dadaan ka lang naman sa isang “something” tas ichecheck nila ang dapat na icheck. Wala namang kaduda-duda sakin kaya OK hehe.

Nakapasok na rin kami sa mismong intayan kaya habang nag iintay ay nag picturan muna kami (check nio na lang ung multiply account ko para sa pics). Syempre chineck ko din ung “supposed backstage tix” namin at nalaman kong maddedelay ang kanilang flight kaya ginagawan nila ng paraan. Yung tix ay galing sa pinsan ng aking kaibigan (itago na lang natin sa letrang M). Muntik ng magunaw ang mundo ko, ako ay nagpanic at nag-alala pero syempre may ticket din naman ako just in case di matuloy un. Kaya mejo ok na din. So ayun nag iintay kami ng eroplano :)). Uso din pala ang nahuhuling eroplano dahil delayed ang aming flight (Haayy pilipinas pa talga). Nang dumating ang eroplano sa loob loob ko “eto na talaga aalis na ko ng Pinas at makikita ko na ang LARUKU!!!” Kaya pasok na kami sa eroplano at umupo sa aming mga pwesto. Sayang lang hindi ako window seat dahil ang seats namin ay nasa gitna.

Makalipas ang ilang minuto ay umandar na rin ang eroplano at start na ng take-off. Aba! mejo nagsshake sia at nawawala-wala ng onti ang ilaw. NORMAL BA TO??? ewan ko kaya syempre tinanong ko sa kasama ko. Ang hilig ko kasing manood ng Air Crash Investigation sa National Geographics Channel e alam ko sinasabi lang ng pilot pag may problema pag talgang di na nila magawan ng paraan. sa awa naman ng diyos e walang kagimbal gimbal na nangyari. Nagstablize na rin ang eroplano. ganun lang ata talga un. Kaya punta na tayo sa mga makikita sa eroplano. PAL ang sinakyan naming eroplano. May free food. Naappreciate ko naman ung food. Nakakabusog naman pag kinain mo lahat. May mga magazines din na pdeng basahin. Pwede ka din makinig ng music. Syempre ni-try ko. Sayang e minsan lang mangyari kaya dapat maexperience lahat :). Ayun nagtaka kami kung bakit may magazine na parang airplane guide na sinasabi ung mga channels. Narealize na lang namin after 30 minutes siguro na ung guide palang uyon ay para sa channels na pde mong piliing pakinggan. May english music, chinese music, classics, korean musics at syempre japanese music. Alangan namang palagpasin ko ang chance na di ko mapakinggan ang japanese music na samples nila dun kaya kahit malapit na kaming mag landing e ni-try ko. May kattun song dun hehe. ung real face ata kung di ako nagkakamali. sayang lang at di ko naulet ung nasa list. Pero atleast naexperience ko hehe. May TV din pero di ko gaanong pinansin. Di naman kasi maganda ung pinapalabas.  

Pagtapos ng 1 oras ata ay lumapag na din kami sa Hong kong. Nga pala, nag on ako ng roaming. First time ko din un buti na lang nagwork hehe. Kala ko di gagana e. Balik tayo sa kwento, syempre wala kong kaalam alam kung ano ang gagawin buti na lang at mejo madali lang naman alamin dahil wala ka na rin naman tlagang gagawin kundi kunin ang bagahe at lumabas ng airport hehe.

Parang ang simple no pero hindi. So ayun daan ka muna ng immigration. Na tanga pa ko kasi di ko nagets ung sinabi nung guard na dun daw dadaan. hahaha di ko kasi magets ung english nia. Tapos ung salita nila, no offense ha, pero para silang galit lagi. Pero alam ko namang hindi. Kaya ok lang. Pagkatapos nun ay kinuha na namin ang baggage namin. ok naman sia kasi wala namang kaguluhan sa pagkuha ng baggage. Malaki din kasi ung airport. Mejo nga nakakawala sa loob nia e. After nun naghanap na kami ng pdeng pagpalitan ng dollar. Bago kami magpapalit ng dollar syempre nag CR muna kami para naman maexperience ang CR sa airport ng hong kong. Aba kakaiba. may pila pero di sia sa tapat ng doors. dun ka sa malayo. Di mo dapat harangan ung mga pintuan sa cubicle ng CR. Pag may umalis tas ikaw ang sunod tsaka ka pa lang pupunta dun. O diba ang ayos. After nun nagpapalit na rin kami ng dollar. Nakakatuwa ung girl na nagpapalit ng dollar. Kakaiba sila mag english pero naiintindihan naman. Kaya ayun nagpapalit na ko ng dollar para makabili din ako ng Octopus card. Di ko pinapalit lahat kasi balak ko magpapalit sa money changer. Sabi kasi ng mga kasama ko mas ok daw dun. Mahal kasi pag sa loob ng airport e.

After namin magpapalit ng dollar ay hinanap na namin ang bilihan ng octopus card. Ung octopus card kasi ay pdeng gamitin sa maraming bagay. Pde mong gamitin sa train, bus at convenience store. 150 HKD sia tas 100 HKD. Ung 50 HKD dun pde mong i-refund o kaya isagad mo ung gamit. Ayun na nga at hinahanap namin ang bilihan. Dahil nga ang laki laki ng airport at muka kaming nawawala ay nagtanong na rin kami. Buti na lang at nakakapag english ung mga guard dun kaya natuturo naman nila. Meron din isang lalaki na tumulong samin. Bait nga e. Kaya ayun nakita din namn sa wakas ang bilihan ng card. Tinawagan din namin ung dapat naming tuluyan para humingi din ng directions kung saan talga ung place. Wala pa rin kasing nakakakita nung pupuntahan naming place. O diba ang lakas ng loob namin hahaha. At kamusta naman no, mejo gabi na nun, mga 9 o 10 na ata un ng gabi. O well, sama-sama naman kaming mawawala kaya ok lang :D. Syempre prepared din naman kami. Nagprint kami ng directions/sakayan kung pano pumunta dun tsaka may mga maps kami hehe. Actually sila ung nakaisip ng mga plano. Ako hitch lang hehe. Binigyan din kami ng directions nung tinawagan namin, un nga lang di namin sinunod at nagstick kami sa plano namin na magbus tas magtrain.

Labas na kami ng airport at hinanap ung bus na dapat namin sakyan. Aba! akala namn ang simpleng hanapin dahil ang daming bus, e may numbers ung bus tas iba iba. Ang dapat naming hanapin e ung S1 na bus para makapunta kami dun sa sakayan ng train na MTR. Di kami nag airport express kasi super mahal un pag un ang sinakyan namin papunta dun sa place na pag-stayan namin. Lakad kami ng lakad para hanapin ung S1 pero di namin mahanap kaya nagtanong na kami. Syempre ang una kong tanong “Excuse me, can you understand english?”. Dalawa sila at ung natanungan ko ay di nakakaintindi, buti na lang ung kasama nia nakakaintindi kaya tinanong ko kung san ung S1 bus. Naintindihan naman nia ung tanong kaso nga lang.. My goodness! “non-comprehendable” ang pangyayari. Para kong naglistening ng nihongo na dumaan lang sa tenga lahat ng sinabi at key words lang ang narinig hahaha. Syempre thank you na lang ako tas dahil marami naman kaming nakarinig nung sinabi nia ay tinry naming “i-parse” ang sinabi nia. Mejo nagets din namn namin dahil na rin sa hand gestures dahil may paturo turo din naman siyang nalalaman. 😀 Pagkatapos namin magpabalik balik sa paglalakad ay nakita na rin namin sa wakas ang terminal ng S1. Ayun ok naman at nakasakay kaming lahat. Nakarating din kami sa MTR.

Mejo komplikado ng onti ang train station nila kumpara dito sa pinas pero magegets mo din naman. Kelangan lang magtanong tanong, magbasa ng mapa, magbasa ng signs at lahat ng pdeng gawin para malaman ang dapat gawin ay ginawa namin. Muka namang tama ang nasakyan namin. Ang swerte nga namin kasi wala masyadong sakay ung train. Siguro din dahil dis oras na ng gabi hehe. Buti na rin lang at may train pa hehe. Nag change train pa nga kami kasi base sa mapa, at train map ay kelangan naming mag change train. Mejo nalito nga kami nun kasi halos wala na kaming matanungan na tao kaya taas baba kami dun sa station. Naguluhan kasi kami sa pagcchange ng train dahil may color code. Buti na lang may nakakita samin na muka kaming nawawala at naturo nia ulet ang tamang train.

Ok nakaraos na kami sa train. Next naman ay hahanapin na namin ung dapat naming pagstayan. Sabi kasi samin after nung train station na un ay walking distance na sia.Un nga lang di namin alam kung anong daan ang dapat naming tahakin hehe. Buti na lang at mababait ata ang mga tao pag foreigner kaya ayun ung isang girl na natanungan namin ay sinamahan pa kami para makarating kami sa place na dapat naming puntahan. 🙂 Thanks sayo kung sino ka man. Ang lapit lang nga nia. Isang liko lang at dalawang tawid ay dadating ka na sa place na un. Nakita na rin namin ung person (itago na lang natin sa letrang E) na dapat naming imeet na pinagkatiwalaan ng place na pagstayan namin.

Pasok na kami sa place, tinuro kung pano buksan at sarahin ang pinto tapos ay nilapag na namin ang gamit namin. Mejo maliit lang ung place pero nagkasya naman kami :). Dapat matutulog na kami kaso nag offer naman si E na ibili kami ng kakainin namin.Para daw maexperience namin ung chinese food. Di daw kasi kami makakaorder basta basta dahil di nakakaintindi ng english ung pupuntahan namin. Nahiya nga kami kaso nahiya din kaming tumanggi kaya ayun sumama kaming bumili ng food. Pili kami dun sa menu na di namin maintindihan. Buti na lang sinasabi samin ni E kung ano un. Intay kami na maluto ung food. Binigyan kami ng free tea hehe. Naalala ko tuloy ung tea na nainom namin sa isang japanese resto sa pinas kasi pareho sia nung tea na binigay samin. WALANG LASA hahaha. pero mejo sanay na ko kasi ung tea sa bahay namin weird ang lasa. Lasang dahon atleast ito walang lasa. Dumating na din ang food at dinala na namin sa house para dun kainin.

Sa bahay na namin binuksan ung binigay samin na food. 3 kinds ung food na binili nia para samin at marami ung serving. Di nga namin naubos lahat e. Buti na lang may fridge hehe. Ayun so picture picture, kain, tutbras/etc, then tulog.

PS. Ok ang haba na nito. Day 1 pa lang yan e half day lang yan! naku pano ko pa ikkwento ung ibang araw. ang hirap! pero cge bahala na. next time ko icontinue. basta day 1 muna. Pag sinipag ako day 2 naman hehe.

PS PS. WOW umabot ka hanggang dito. Sipag mo hehe.

Mabagal na Drayber

Mejo late ako nagising kanina kaya naman nagpahatid na ko sa FX Terminal. Dumating ako dun kaso sa kamalas-malasan e puno na ung FX na dapat kong sakyan kaya ung sunod na FX na ung masasakyan ko. 

Tingin ako sa relo ko. OK di pa naman ganun ka late. 7:10 am pa lang. Yun nga lang magpupuno pa ung FX kaya mejo nag-aalangan ako. Kala ko matagal siyang mapupuno pero di naman pala, mga 7:20 am e puno na sia. Ayun naningil na din ung FX driver kaya wala na siyang aatupagin mamaya kundi magdrive.

Eto ang masaklap. Sobrang bagal nia magdrive! Akala ko mabagal akong magdrive kasi ayaw ng mommy ko ng mabilis magdrive yun pala may mas babagal pa sakin! Naman! Sobrang bagal nia. Eto ang example. May tricycle sa harap namin. Wala naman kaming kasalubong na iba. Ibig sabihin pde sia mag-overtake… WELL ewan ko kung masyado lang sia nag-eenjoy sa pace ng kanyang sasakyan o talgang ganun lang talga kabagal ang sasakyan nia pero wala siyang ginawa. Pinauna nia ung tricycle hanggang sa lumiko ito sa kanto. Badtrip! nagpaparamdam na nga ako sa kanya e. Syempre dahil nasa harap na naman ako no. Ginawa ko tingin ako ng tingin sa relo ko sabay kunwari nagbibilang ng kung ano para naman makita nia na may mga taong nagmamadali. Pero wa-epek!

So cge mejo pinatawad ko na sia dun kasi di pa naman talga ko huli pero NAMAN!!! sa HI-WAY!!!!!! Goodness talga! di naman trapik pero UBER BAGAL talga! estimate ko nga nasa 40 kph lang ang andar namin. talagang nakakaasar! Siya ata ang direct opposite nung idol kong FX driver! Masasabi kong ito ang pinaka ayaw kong driver sa kanilang lahat! Sobrang bagal talga. Kung nahuli huli pa ata ako ng gising tas sia ulet ang nasakyan ko, NAKOW LATE na KO!

Buti naman kahit papano di naman ako na-late. Pero sa susunod talga aagahan ko na para di ko na sia maabutan ulet hehe. At kung maabutan ko man, atleast maaga naman ako. 😀

Oishi Ridges Wasabi Flavor

Habang ginagawa ko tong post na ito ay binubunu ko ang pagkain ko ng Oishi Ridges – Wasabi Flavor.

Favorite ko naman lahat ng flavor ng Oishi Ridges…. maliban lang ata dito. Di ko mawari ang lasa nia. Nakakatakam lang sia buksan pero nung natikman ko na… nagsisi na ko. Bat ko ba to nabuksan pa! Yan tuloy kelangan ko siyang ubusin!

YUCK!!!! Anong lasa to! di ko maintindihan. Di ko madescribe sa sobrang kaweirdohan ng lasa nia. Parang nakalimutan na nila ung ibang dapat ilagay na flavoring maliban sa wasabi. Parang puro wasabi ata ung nalagay nila.

Mejo kasi deceiving ang kulay ng wasabi flavor at nung sour cream flavor. Pareho silang green kaya naman nabibili tuloy ang wasabi flavor. Siguro nga dahil sa nagkakamali ang mga bumibili e kaya feeling nung kumpanya ay naghihit ung flavor na un hehehe.

Kelangan ko tong ubusin :((. Parang tanga na nga ung pagkain ko. Di ko na nilalasahan para maubos ko lang. Ngaun kalahati na sia. So mga ilang oras pa para maubos ko to… haaaayyyyyy

Opinyon ko lang naman to kaya kung may makabasa man na mahilig sa flavor na ito e sorry na lang. Kasi ako talga di ko kayang matagalan.

Palawan + Lamok = Dengue

Palapit na ang outing namin sa Palawan at di ko maalis sa isipan ko na baka dapuan na naman ako ng dengue. Unang-una ang laki ng history namin pagdating sa dengue. Ang pareho kong kapatid ay nagka-dengue na ng dalawang beses. Ako isa pa lang. Kung titingnan sa history mukang kelangan e dalawang beses din akong magka dengue hehe. At san ko naman mapupulot ang pangalawang iyon??? bka sa Palawan hahaha

AYOKO!!! Ayoko talagang magka-dengue. Ang hirap e. Natatandaan ko pa lahat ng nangyari sakin nung nagkadengue ako.

Friday:
Walang pasok noon at naisipan namin magpa-salon ng ate ko. Mejo antok na ko nun kaso gusto ko na rin magpagupit at magpatreatment hehe. Kaya punta kami ng Salon. Ok naman parang wala naman akong nararamdaman ng mga oras na un maliban lang sa inaantok ako. Dala pa namin ung sasakyan nun kaya na-drive ko pa sia. Nung mejo patapos na… mejo masama na yung pakiramdam ko. Akala ko nga dahil ang tagal ko lang nakaupo dun sa inuupuan ko kaya di ko na pinansin. Nung natapos na kami, nahihilo na ko. Akala ko naman dahil gutom lang ako kaya ko nahihilo. Kaya umuwi na kami. Kumain, nagsipilyo tas deretso sa kwarto. Nahiga ko tas nilalamig na ko. Sa loob-loob ko… patay may sakit ako. Lagot ako kay mommy! Bakit? Kasi galit un pag nagkakasakit ka kasi iniisip nia na di mo inaalagaan katawan mo. Kaya ko di ko sinabi. Sinabi ko lang sa mga kapatid ko. Kaso nga lang feeling ko ang taas na ng lagnat ko kaya napilitan na din akong sabihin ke mommy. Buti na lang di nagalit. Pano ang taas na ng lagnat ko. Pinainom ako ng gamot tas natulog ako.

Saturday:
Kinabukasan nagpacheck-up ako. Sinamahan ako ng daddy ko. Jan lang kami sa evangelista. Nagpa blood test na kagad kami kasi nga mejo prone kami sa dengue. Wala naman kapansin-pansin sa sakit ko. Parang fever lang tas ung blood-count ko naman e above normal pa. Tas may ubo’t sipon ako kaya binigyan lang akong gamot. Pero pinabantayan ung lagnat ko pati ung blood count. Ayun balik ulet sa bahay. Ung lagnat ko taas-baba lagi.  Umaabot ng 40C  tas sobra kong nilalamig.  Ung kumot ko nga ang kapal na pero nilalamig pa rin ako.

Sunday:
Nagpablood-count ulet kami. Un bumaba ulet pero di pa delikado. Tas para namang ok ako. bumababa naman ung lagnat ko. Kaso tumatataas din pero parang tolerable kaya di naman naalarm ang mga tao sa bahay. Pero dahil mejo suspected nina mommy na baka dengue sia e pinapainom nia kami ng sobrang daming tubig at gatorade hehe. Kelangan kasi di ka madedehydrate. Kaya ang good source ng rehydration ay GATORADE hehehe. Tas syempre dahil may sakit ka lahat ng gawin mo e ok lang. Kaya ako hiram ko ung PSP wala sila reklamo hahaha.

Monday:
Nagpablood-count ulet kami. Yun bumaba sia. Mejo malaki ung binaba nia. Kaya nung hapon nagpakonsulta na kami dun sa doctor namin since bata pa kami. Nung tiningnan nia ung results tas mejo examine nia ung skin ko, nakita nia may rashes na ko. Kaya suspected-dengue na nga sia. Nga pala, pareho kami ng ate ko na suspected-dengue ung sakit. Sabi nung doctor, malamang daw since wednesday pa kami nakagat kasi ung mga symptoms daw nito ay 2-3 days lumalabas. Iniisip ko. Malamang sa bahay kami nakagat. Sabi din kasi nung doctor may outbreak daw sa pacita. Ayun worried na ko kasi di ako makakapasok sa opis. Sa isip ko, hala ang bago-bago ko pa e absent na ko! Tas naalala ko pa ung mga dapat kong aralin. kaso nga lang latang-lata na ko kaya wala na rin akong magagawa.

Tuesday:
Punta kami asian. Ang problema, di nila i-honor ung results ng ibang hospital kaya dapat sa kanila ka magpa-examine. Okay so examine nila kami. Kuha ulet sila blood test. Below normal daw. Nasa 135 na lang ang blood count ko nito. Pero di pa suspected-dengue kasi probable daw na bka iba ung cause nun. Isa pang rason nila… wala na silang rooms para maaccomodate kami. Pero pinapabalik kami kinabukasan para daw sa dengue-blot. So ayun di kami naadmit sa asian. sa loob-loob ko sayang ang ganda pa naman ng accomodation dito hehe. E kaso worried na din si mommy kasi bka sobrang lumala na kami. Lalo na ko kasi 135 na lang platelets ko. Kaya hanap kami ibang hospital. Tas naisip nina mommy sa evangelista na lang para malapit sa bahay. Kaya ayun nung hapon sa emergency kami dumeretso tas kinunan na naman ako ng blood test at dengue blot at un naadmit na kami. Nilagyan kami dextrose. Di naman masakit hehe. Second time ko pa lang na-dextrose base sa naaalala ko. Tsaka naman! ilang beses na kong nakuhanan ng blood test kaya wa-epek na ung dextrose hahaha. Kaso every 4 hours kukunan ka ng blood count! ngek! e ilang beses na ba ko nakunan ng dugo as of the moment…. hmmm mga 4-5 times na. Tas nakakatawa pa dun sa parehong spot nila lagi kinukunan. Nagtataka nga ko kung bakit may nakukuha pa sila dun.

Wednesday-Sunday
Ayun nandun ako sa hospital. Ilang araw nila ko ni-monitor. taas ng lagnat ko di na pdeng oral ko inumin ung gamot kaya nilalagay na nila sa dextrose. Ayun unti-unting bumaba ung lagnat ko. Tas ung blood count ko mabagal na ung pagbaba. Umabot sia ng 90 platelets na lang. Pero mejo tumaas sia ng dahan-dahan. So akala nung doctor e nag ppick-up na ung platelets kaya di na every 4 hours ung kuha ng dugo. Mga every 6 hours na lang. Bumaba na din ung lagnat ko. Akala ko gagaling na ko. Natuwa naman ako kasi syempre naisip ko makakapasok na ko. Yehey di ko na kelangan gastusin ung VL ko pdeng SL lang hehe. Bagong pasok lang kasi ko kaya ung VL ko at SL ko ay 2 o 3 lang. Basta ang onti lang. kaso di pa rin ako makakain. Pinagagalitan na nga ako e. Kaso di ko talga mapilit kasi nasusuka ako. Hanggang tubig at gatorade lang talga ko. Tapos nun bigla na lang nung isang gabi nung nakunan ulet ako ng dugo. Alarming! nasa 40 na lang daw platelets ko. Pag bumaba daw un ulet kelangan ko na salinan ng dugo. Kaya sabi nung doctor kelangan daw mag-order ng dugo kasi walang available na dugo sa ospital na un tsaka wala silang mga aparatus etc para gawin ung procedure ng pagkuha ng dugo kaya kelangan i-order. kaya ayun umorder kami tas pag dumating daw tsaka babayaran. after 4 hours i-check ulet nila ung blood count ko para malaman kung kelangan na talga salinan or hindi. Hala ayun naiiyak na ko. Ayoko kasing masalinan ng dugo. Sa totoo lang ung iniisip ko nung panahon na un… Ang laki nung karayom na un! masakit un! Syempre ung blood test normal lang ung karayom na pero ung dun sa sasalinan ng dugo alam ko malaki ung karayom. Di ko tuloy alam kung dun ako naiiyak o dahil bka mamamatay na ko. Pero thankfully tumaas naman sia. naging 41 hehe. So napostpone din ung pagsalin ng dugo. Tsaka nakakatawa pa. Di naman dumating ung dugo na order namin! Kaya nga naisip ko kung bumaba pala yun wala din naman pala isasalin sakin. edi madedbol pala ko. So ayun steadily tumaas na ung count ko. Bumisita pa nga ung boss namin tsaka ung dalawa kong ka opism8. Dala sila ng fruits tsaka card. Na-tats naman ako kahit pa di sila ung nagsulat nun ok lang atleast naisipan nila. Nakakatawa pa nga ung binigay ni sensei. Assignment! Pero ok na din natuwa pa rin ako kasi naalala nila ko. So ayun. Unti-unti na kong gumaling tapos nun nadischarge na din ako ng Sunday.

Monday:
Di ako pumasok. Isang rason. Tinatamad ako hahaha. Tsaka sabi ni boss kung gusto ko pa daw magpahinga e ok lang kaya ayun sabi ko ke mommy nahihilo pa ko hahha. ang sinungaling ko talga. Pagkatapos ko isipin ung mga leave ko nung nagkakasakit ako e etong wala na kong sakit ayoko na pumasok. Talgang tinamad ako. Pwede na kong pumasok nun e kaso wala pa ung utak ko sa trabaho. Kaya ayun di na lang ako pumasok. hehehe tsaka ang dami kong pasa. Ung pinagkuhanan ng dugo sakin dahil nga sa sobrang dami ng blood test e nagpasa na sia. Ang sagwa tingnan hehe

Ayan lahat nangyari nung nagka-dengue ako. Ang tagal kong absent! Kya nga ayoko yang maulit kasi ang daming pangyayari. Ang haba nung post ko tas isipin mo ipopost ko ulet dito yang ganyang kahaba. Di kaya tamarin na ung magbabasa nyan. Pero basta ayoko magka-dengue PERIOD! Tatadtarin ko na lang ng OFF lotion ung sarili ko hahaha.

Tag Cloud